Chapter 25

21 0 0
                                    


—ପଓପଓ—

Larissa POV

Nakarating naman na kami ngayon dito sa condominium ni Carl. Napag usapan kasi namin mag stay sa isang lugar para hindi kami mahirapan maghanap ng lugar na pagkikitaan. Siya ang pasamantalang manager ko at kailangan namin pag usapan ang mga tinanggap kong offer. Hati naman kami sa magiging bills dito at gastos sa pagkain.

"Kailangan pala natin mag-grocery. Walang laman ang kusina" sabi ni Carl na kababalik lang galing sa kusina.

Umupo naman ako sa sofa at siya sa kaharap ko. Kakatapos ko lang ayusin ang mga gamit ko at parang ayaw ko ng gumalaw ngayon.

"Tsaka na. Magpahinga muna tayo" sabi ko at tumango siya.

"How about tommorow? Nood na rin tayo cine"

"Diba kailangan mo pang pumunta sa bahay niyo?" sa pagkakaalam ko kasi gusto na talaga makita siya ng pamilya niya at magbonding.

"Yes pero pagkatapos na ng book signing event mo" nakita ko naman isinandal niya ang ulo niya "Parang bumibigat na ang katawan ko. Kumain na nga tayo"

Nakipagtitigan naman siya sa akin at nakuha ko naman ang gusto niyang sabihin. Tumayo ako at tumungo sa kusina. Nang makita ko ang binili niya kinuha ko ito. Bago lumabas ng kusina kumuha na rin ako ng plato at kubyertos.

Bumalik na ako sa sala at inilapag sa maliit na lamesa ang mga dala ko. Inilabas ko na rin ang pagkain sa paper bag at inabutan siya ng kutsara't tinidor.

"Pwedeng ikaw na magsubo ng pagkain sa akin?" rinig kong tanong niya at Napatigil ako sa pag lagay ng pagkain sa plato ko.

"Ano ako? Alalay mo?"

"Maging sweet ka naman kaya sa nag-iisang bestfriend mo slush manager mo rin"

Napangiwi naman ako "Dami mong drama sa buhay. Kumain ka na nga lang"

"Kailan ko kaya makikita ang bestfriend ko na magiging sweet" pagpaparinig niya sa akin.

"You know damn well na mahirap para sa akin magpakita ng affection"

"Pero huwag mong i-deny girl. Hindi mo namamalayan napapakita mo" sabi niya at tinuro pa ako gamit ang kutsarang hawak niya.

Nagshrug lang ako at nagsimula na kaming kumain ng tahimik. Nahihirapan talaga akong magpakita ng affection dahil parang ito na ang pinaka vulnerable part ko. At tingin ko gagamitin advantage ng iba ito sa akin.

Nang matapos kami kumain inilagay ko sa lababo ang ginamit namin kubyertos at plato. At nagkaniyang pasok na kami sa kwarto para makapagpahinga na.

Dahil na rin sa pagod at mahabang byahe mabilis ako nakatulog ng mahimbing.

Ang booksigning event ko pala ay gaganapin sa July 7. Ako mismo ang pumili ng petsa at buti na lang nagawaan ng paraan para makapag schedule sa gagamitin namin place. Ang place kasi ginagamit rin for other event like fan meeting.

Ang petsa ngayon ay July 5 at dalawang araw na lang ang bago ang event. Na-stress talaga ako nitong nakaraan araw dahil natagalan ako mag-asikaso ng my papeles ko sa L.A. At akala ko madedelay pa ang event dahil nasa LA pa rin ako. Pero ngayon makakahinga na ako ng maluwag dahil natapos na ang lahat at nandito na ako sa pilipinas.

—ପଓ—

Tanghali naman na ako nagising kaya kanina hindi magkanda-ugaga si Carl na makaalis. Hindi naman aalis ang mall at ang energetic niya ngayon.

If We Could HappenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon