Chapter 19

27 0 0
                                    


—ପଓପଓ—

Larissa POV

Nagising ako sa malakas ng pagtunog ng phone ko. Nang makita ko na alarm lang pala ito na may nakalagay pang note na 'Greet Him' doon ko lang naalala na nag set pala ako ng alarm for 12am, habang nag aayos ako kanina ng dadalhin kong gamit dito sa trip.

"Too much effort, Larrisa. Masiyado kang halata" pagkakausap ko sa sarili ko at binaon ang mukha sa unan. Maya maya pa narinig ko ang pagkalam ng tiyan ko. Ngayon ko lang din ramdam ang gutom ko.

Nagsend ako ng mensahe kay Marcus pagbati sa kaarawan niya. Pagkalipas ng ilang minuto tumayo na ako sa kama at dinala ang phone ko. Maingat kong binuksan ang pinto at nakita na nakapatay ang mga ilaw. Siguro tulog na silang lahat. I wonder kung ano mga pinaggagawa nila habang tulog ako.

"Wala naman sigurong multo na bigla na lang magpapakita sa akin" dahan dahan akong bumaba para hindi ako makalikha ng ingay at maistorbo ang tulog nilang lahat. Hindi halata pero mabait ako.

Pagkarating ko sa kusina nakita ko sa lamesa ang nakatakip na ulam at kanin. Lalo akong nagutom ng makita na burger steak ito

"Para sa akin ba ito?"

Well kung hindi eh di sorry na lang sa may ari. Bakit niya iniwan ang napakasarap na pagkain dito? Masasayang kung lalamig lang ito sa lamesa kaya kakainin ko na.

Kumuha muna ako ng kutsara't tinidor pagkatapos umupo na ako at agad na nilantakan ang pagkain. Sino kaya sa kanila ang nagluto nito? Imposible naman si Jeremy ang alam lang nun ay kumain. At impossible rin si Kael one time nagkuwento siya sa amin na nasunog yung ginagamit niyang pangluto pero yung pagkain hilaw pa rin. Hindi ko nga alam kung nagsasabi siya ng totoo o gagawa niya lang ang kuwento na yon.

Nasa kalagitnaan ako ng pagkain ng biglang may kamay na humawak sa balikat ko. Dahil na rin sa gulat nailunok ko ng wala sa oras ang ninguguya kong pagkain at napaubo.

"You’re awak—ayos ka lang?" ramdam ko ang paghagod niya sa likod ko.

"Teka tama na." sabi ko at tumigil na siya kakahagod ng likod ko. Nilingon ko siya at sinamaaan ng tingin.

"Bakit ba bigla ka na lang sumusulpot? Kabute ka ba?"

Nakita ko ang pag ngiti niya kaya hindi ko alam kung lalo ba ako maiinis o ewan. Bwiset na ngiti na yan.

"It's not my fault kung hindi mo naramdaman ang paglapit ko"

So kasalanan ko?

"Bakit ba gising ka pa? Matulog ka na nga" sabi ko at bumalik na sa pagkain. Narinig ko naman ang pag usog ng upuan sa tabi ko.

"Why don't you open the lights? Kung may makakakita sayo baka pagkamalan kang magnanakaw"

"Magnanakaw na kumakain? Really?"

"Yes. Hindi mo ba napanood sa balita na pati pagkain sa kusina ninanakaw na" tinignan ko naman siya at ngumiwi.

"Tama na ang liwanag na nagmumula sa labas kaya hindi ko na binuksan ang ilaw."

"Thanks for the greetings by the way" sabi niya at ngumiti. Parang naman umakyat lahat ang dugo ko sa mukha.

"Narecieve mo na pala. Dapat nag reply ka na lang pabalik. Hindi naman na kailangan personal ang pag salamat" sabi ko at napansin ang kakaiba niyang tingin sa akin "Bakit?"

If We Could HappenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon