Chapter 2

11 1 0
                                    

Meeting him again

—ପଓପଓ—

Larisa POV

Tambak oo tambak kami ng gagawin ngayon na naman. Parang may galit talaga yata sa amin yung teacher. Hinala ko pinag usapan nila na pagsabay sabayin na naman yung mga gawain at ang lupet iisa lang ang deadline.

"Bayan dami natin gagawin."

"Sus kala mo naman gagawin niya."

"Nakakatamad naman. *Hikab* "

"Basic lang yan Bwahaha."

"Whooo yabang."

Rinig kong usapan ng mga kaklase ko. Hindi ako tsismosa sadyang ang lakas lang ng boses nila kaya naririnig ko. Partida may teacher pa yan.

"Okay class dismiss." sabi ng aming pinakamamahal na teacher charot.

Inayos ko na agad ang gamit ko at agad na umalis papunta sa theater club room. Oo nga pala, ako ang hahanap sa gaganap ng Romeo. Dagdag sa mga gagawin ko.

Kapag nagsabay sabay ang gawain sa school ay ginagawa ko na ito agad sa isang araw lang. Procastinating who? Alam ko naman hinahamon lang kami ng teacher namin at tinitignan kung kaya namin magtime management.

Kala nila ha palaban kaya ako.

Nang dumating ako ay wala pa naman tao bukod sa akin. Baka napaaga yata ako. Oh diba dito hindi ako nalalate pero sa pagpasok lang talaga.

Tumungo naman ako sa desk at ipinatong ang bag ko sa aking hita. Makalipas ang limang minuto ay wala pa rin dumadating. Nakaramdam naman ako ng antok kaya ipinatong ko ang bag ko sa desk para gawing itong unan. Inilapit ko ang upuan ko ng kaonti at ipinatong na sa bag ang ulo ko tsaka pumikit.

Higit dalawang oras yata ako nakatulog nang magising dahil sa mga boses na naguusap sa paligid. Umayos naman ako ng upo buti na lang nakatalikod ako sa kanila.

"Larissa perfect gising ka na rin" rinig kong sabi Pressy Raniela. Hindi ko naman ito pinansin at tinanggal sa desk ko ang bag ko. Ipinatong ko ang siko sa desk at hinilamos ang kamay ko sa aking mukha.

"Larissa gising ka na?" rinig kong tanong ni Kael kaya tumango ako pero nakatakip pa rin ang kamay ko sa mukha ko.

Wait lang mag aadjust lang ako.

"Marcus siguro mga sampu minuto makakausap na natin si Larissa ng matino. Ganyan talaga yan eh" sabi ni Kael. Sino ba kausap niya?

"It's okay"

"Welcome nga pala sa Theatre Club. Matagal ka naming hinihintay lalo na si Larrisa. Naiinip na yan kakahintay at pagpasensyahan mo na ang ginawa niya kahapon"

"I didn't mind what she does anyway"

Bakit ba puro Larissa sila? At bakit pamilyar yung boses.

"Sir Jason buti napapayag mo na" rinig kong sabi ni Pressy Raniela.

"Hindi ako. Kundi si Larrisa"

"oh really? Larrisa did it?" tanong ni Eumelia. Tahimik lang ako nakikinig sa pag uusap nila.

Narinig ko ang pagtawa ni Sir Jason "Oo at diba Marcus?"

"Yeah" pamilyar talaga yung boses niya. Kanino nga ba itong boses?

"Now we have Romeo. We can finally start tomorrow then" sabi ni Eumelia. Wait ano ang sabi niya? Mayroon ng Romeo? So hindi na ako mag hahanap? Sabi ko na nga ba. Papayag na yung gusto ni sir Jason kapag ginawa ko yun eh.

If We Could HappenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon