Chapter 10

19 0 0
                                    

So far away

—ପଓପଓ—

Larissa POV

Nakahinga naman ako ng maluwag ng marinig ang malakas na palakpakan ng mga tao. Kakatapos lang ng Romeo and Juliet at nandito ako sa backstage. Nakita ko naman na nagtipon silang lahat na gumanap at sabay na nag bow sa mga nanonood.

Simula nung umaga ay busy ang lahat sa pag aayos sa sarili at paghahanda ngayon. Tumulong ako sa ibang gawain na kaya ko. Pagdating ng hapon ay dun na nag simula ang dulaan. Ang mga important people pala na guest ng school ay mga ambassador dito. Mahalaga nga sila.

Nandito ako sa backstage at hawak ko ang script. Ako kasi ang titingin kung mayron man sila makalimutan na line  at pinasasalamat ko na wala silang nakalimutan. Kagaya nga na gusto ng mga teacher. Perfect and performance nila. Ang galing nilang lahat sa pagganap.

Napatingin naman ako kay Marcus. Mukha siyang isang prinspe ngayon. Ang buhok niya sinadya na nakabagsak , ang suot niya na lalong bumagay sa kaniya at ang pink niyang labi in short Real life Prince.

Napailing na lang ako at pinuntahan si Sir Jason na nakangiti. "Sir una na po pala ako" paalam ko. Wala kasing klase ngayon at tanging ganap lang ay ang dula dulaan na pinerform nila.

Tumingin siya sa akin na nagtataka "Bakit? Diba may celebration pa mamaya" ayaw ko kasing pumunta Sir Jason. Hindi ko feel pumunta.

"Hindi ako makakasama Sir Jason. Masama pakiramdam ko" sana naman maniwala siya sa palusot ko. "Kaya kailangan ko na pong umuwi na agad"

"Ganun ba?" tumango ako "Sige ako na magsasabi na hindi ka pupunta" napangiti naman ako at agad na kinuha ang bag ko. Ang galing ko talaga. 

Bago tuluyan makaalis ay sumulyap ulit ako sa stage at nandun pa rin silang lahat. Napangiti naman ako ng makita na sa mga mata nila ang saya.

Hindi naman ako nahirapan makauwi sa bahay. Pagkarating ko ay agad na akong tumungo sa kwarto at nagpalit. Pakiramdam ko natapos na lahat ng paghihirap at sa wakas makakapag pahinga na ako. Humiga na ako sa kama.

Nitong nakaraan apat na linggo ang daming nangyari. Sa paghanap ng gaganap na Romeo, muntikan na mahagip rin ng truck dahil nagfeeling super hero ako, tapos nakilala ko si Marcus na ang taong gusto pala ni Sir Jason sumali sa amin, kakulitan ni Marcus, si Jeremy na nag transfer pala at nakilala ko si faith at the same day. balik sa eksena ni Horus na ako ang trip yata, biglaan hindi pagpansin sa akin ni Marcus at higit sa lahat nawala na ang pagkulit sa akin ni Marcus. Nice, kung sino talaga ang tao sa simula yun talaga ang mawawala sa dulo.

Ang dami talagang nangyari

Kinuha ko naman ang phone na nasa gilid ko lang at binuksan ang messenger. Napailing na lang ako ng makita ang huling chat namin ni Marcus. Yung time na nasa library ako at paggamit niya ng sad emoji.

Naalala ko naman na hindi ko pala sila nabati sa pagiging successful ng performance ngayon. Hindi ko pala nabilin kay Sir Jason. Nako naman. Sabado pa naman bukas at siguro sa lunes ko na lang sasabihin.

Habang nakatitig sa chat namin ni Marcus ay hindi ko naman namalayan na nagtipa na pala ako ng chat at aksidente Kong napindot ang send button.

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
If We Could HappenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon