Chapter 21

23 0 0
                                    


—ପଓପଓ—

Larissa POV

Mahigit isang linggo na rin ng makarating ako dito sa L.A. Si papa ang sunalubong sa akin sa Airport at niyakap ko siya ng mahigpit. Matagal na rin nung last na kita namin sa personal. Agad kaming tumungo hospital at nang makita ko ang kalagayan ni kuya halos naluha na ako.

Ako ang nagbabantay kay Kuya Lucas dito sa hospital dahil kailangan rin asikasuhin nila Mama at Papa ang negosyo nila. Itong isang linggo ko pagbabantay minsan biglang sasakit ang dibdib niya. Mayroon heart disease si Kuya Lucas.

Mukha man siyang maaayos pero sobrang hina ang puso niya. May ginawa ng test ang mga doktor kay Kuya Lucas dahil na rin sa pagdalas ng pagsakit ng dibdib niya.

"I would be honest with you Mrs, Nievera. The surgery that we undergo for the patient isn't helping him" sabi ng doktor na naka-aras kay Kuya Lucas.

Kasalukuyan kaming nandito sa office niya at para sabihin ang naging results na ginawa nila kay Kuya Lucas. Dapat wala ako dito pero gusto kong malaman ang kalagayan ni Kuya Lucas. Hindi ko alam kung ano ang kailangan kong ibigay na tulog Mali an sa pagbantay sa kaniya dito. Iniwan ko si Kuya na mahimbing na natutulog ngayon sa room niya.

Nalaman ko rin nung nakaraan apat na buwan sumabak sa surgery si Kuya Lucas pero ngayon na sinasabi ng doktor na hindi ito nakakatulong sa kaniya. Parang

"What?! But you said this surgery would be benificial for hi—"

"Yes but If we look at the data from the other doctors that looked him. The medication we given is starting rejecting now and his heart is getting weaker day by day"

"So what should we do now to help my son" tanong ni Papa na katabi ko lang.

"I'm afraid but the only choice we have now is to do a heart transplant" sabi ng doktor.

"If we do that are we sure he will be okay?"

"I can't promise you but we will monitor him. The problem is finding a heart donor"

Pagkatapos naman sabihin ng doctor iyon ay umalis na kami ni Mama doon habang si Papa naiwan para kausapin pa sa iba pang impormasyon sa gagawing heart transplant.

"Ma magiging okay si Kuya Lucas diba?" tanong ko kay Mama at huminto sa paglalakad.

"Of course Baby. You're Kuya is strong"

"Pero paano kung hindi tayo makahanap ng donor? Ano ng mangyayari kay Kuya?" nagsimula naman na mamuo ang luha sa mga mata ko.

"Hey. Hey. Look we will find a donor for him no matter what and he will be healthy" sabi ni Mama at pinunasan ang luha ko. "We need to be strong for him too, okay?"

Tumango naman ako "Sana makahanap tayo para hindi na nahihirapan si Kuya Lucas"

"I promise you, me and your dad will do everything to find him a heart donor. Now go to your brother and look after him" binigyan ako ni Mama ng halik sa noo at bumalik na ako sa room ni Kuya Lucas.

Pagpasok ko nakita ko na gising na pala siya at busy sa hawak niyang phone. Napansin niya yata ang oagdating ko at napatingin siya sa akin.

"Hey sis where's you're phone by the way?" tanong niya at lumapot naman ako sa kaniya.

"Unfortunately habang pabalik ako dito galing sa bahay may bumangga sa akin. Tapos nabitawan ko yung phone ko at saktong nahulog sa open canal" kuwento ko at umupo sa upuan na nasa gilid ng kama niya.

Nagtitipa kasi ako nun ng mga bagay na binilin sa akin ni Mama na bilhin ko bago pumunta dito. Pero hindi ko naman inaasahan mawawalan na ako ng phone ng araw na iyon. Kakasabi ko lang kay Mama at mahalaga ang phone para sa komunikasyon namin dito. Nawala nga lang yung mga picture na nakasave dun at hindi ko pa naman naalala mga password ko sa social media maliban lang sa account ko sa 'every pages'. At lalo na yung simcard may mahahalaga akong contacts dun.

If We Could HappenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon