Chapter 14

14 0 0
                                    


—ପଓପଓ—

Larissa POV

Kanina pa ako nandito sa tapat ng pinto ng condo ni Marcus. Higit isang oras rin ang tinagal ng biyahe kasi na traffic ang sinakyan kong taxi. Nagulat nga ako sa laki ng building ng tinutuluyan niya. Mayroon 30th floor ang building at nandito ako ngayon sa 20th floor.

Kung hindi ko pa ito maibibigay ay hindi ako makakauwi. Kaso wala akong mukha na maihaharap sa kaniya. Bakit ko nga ba ito ginagawa? Dapat pala kay Faith ko na lang ito inabot pero paghihinalaan nila ako.

Makalipas ang sampung minuto ay nakapagpasya na akong umuwi na lang. Joke. Pinindot ko na ang doorbell at luminga linga sa paligid. Walang katao tao. Siguro maraming multo dito pagala gala. At hindi ko naman akalain na dito siya nakatira. Kung titignan ang dami kong hindi pa alam tungkol sa kaniya. Nakakahiya naman magtanong baka sabihin feeling close ako.

Nayakap ko ng mahigpit ang brown envelope at napalunok ng marinig ang pag bukas ng pinto. Ang bilis ng tibok ng puso ko.

"Larissa?" rinig kong mahinang sabi niya kaya tumingin ako sa kaniya. Nakita ko ang gulat sa mukha niya.

"ahmm...Hi?" sabi ko at pilit na ngumiti. Ito na naman ang nararamdaman ko kapag nagtatagpo ang mata namin. At parang sasabog na puso ko ngayon. Wala ba siyang balak magsalita?

"It's really you" nakita ko ang pag tingin niya sa akin mula ulo hanggang paa "What are you doing here?" tanong niya at hindi makapaniwalang nakatingin sa akin.

"Halata naman na ikaw sadya ko dito" ayaw ba niyang nandito ako?

"Yeah. I see but why?"

Iniabot ko naman ang hawak kong brown envelope "Inutos ni Ma'am na ibigay ko na agad sayo ito" kinuha niya naman ito kahit nagtataka "Lesson daw yan" buti na lang magaling akong umarte.

Nagtagpo ulit ang mata namin at lalong bumilis ang tibok ng puso ko. Sana hindi niya mahalata. "That's all?" tumango naman ako at inilagay ang kamay sa likod ko.

"Really?" napairap naman ako.

"Actually meron pa" umiwas naman ako ng tingin sa kaniya. Mas maganda siguro kung personal kong itatanong.

"What is it?"

"Ayos na ba lagay mo?" napalunok naman ako at ramdam ang bahagyang pag init ng pisngi ko. Nasa huli talaga ang pagsisisi.

"At least look at me if you gonna ask that" rinig kong sabi niya. Nakapa ano niya talaga.

"Sagutin mo na lang. Ayos ka na ba?" paguulit ko at narinig ko ang bahagya niyang pagtawa.

"Yeah ayos na ako" lihim naman ako napangiti. Buti naman. Ano bang nangyari sa kaniya? Hanggang ngayon hindi ko pa alam.

"Ayun lang. Sige na aalis na ako" paalam ko ng hindi tumitingin sa kaniya at naglakad na. Parang hindi ako makahinga sa titig niya.

"Wait!" napatigil ako sa paglalakad ng hinawakan niya ang kamay ko.

Lumingon ako kay Marcus "Bakit?"

"Uuwi ka na agad?" tumango ako at nakita ang pagsimangot niya.

Ang cute niya

If We Could HappenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon