Chapter 1

27 0 2
                                    

Finding Romeo

-ପଓପଓ-

Larrisa POV

"Oh my gosh!" sabi ko nang makita yung oras sa Phone ko. Malapit na akong malate!

Tumakbo ako papasok sa banyo para maligo ako at naramdaman ko ang hapdi ng sugat ko sa tuhod. Oo nga pala nakalimutan kong may sugat ako.

Pagkatapos ay binilisan ko pa lalo kumilos at dali dali kong sinuot yung uniform ko. Inayos ko rin yung mga gamit ko na nakakalat.

Parang dinaanan ng bagyo!

Pagkababa ko nakita ko sila lola at tita na kumain na kaya lumapit ako sa kanila para magpaalam.

"Alis na po ako." sabi ko nang makalapit na ako sa kanila at tumingin naman sila sa akin.

"Hindi ka na kakain apo?" tanong ni lola sa akin kaya umiling ako.

"Sige umalis ka na at nakakasira ka ng araw." sabi naman ni tita sa akin at galit nanaman siya agad? Problema niya ba sa akin?

Atitude amp.

Para hindi ko na marinig yung masasakit na sasabihin ni tita ay tumakbo na ako palabas ng bahay. Hindi ko inintindi yung sugat ko. Wala akong pake kung sumakit ka pa lalo dahil late na ako.

"Baby naman bati na tayo."

"Baby mo muka mo magsama kayo ng babae mo!!!"

"Mga babae nga naman. Wait lang baby."

Ano ba naman yan ang aga aga sa daanan pa sila nag aaway. Hindi ko sure kung mag Gf/Bf pa sila baka mamaya magbreak na sila wala pa namang forever.

"Ang aga aga nag away kaya hindi tumatagal"

Nilagpasan ko naman ang mag ex ay I mean ang magjowa. Binilisan ko pa ang takbo at pumara sa jeep na paparating.

Makalipas ang sampung minuto ay nakarating na rin ako sa school at muntikan pa ako masaraduhan ng gate buti na lang nakita ako ni kuya Guard.

"Larrisa pinapasabi pagkatapos ng klase ay dumeretso na agad dun." sabi ni kael nang makita ako.

"Okay salamat."  umalis na siya para pumunta sa room niya dahil malapit nang magsimula ang klase. At magkatabi lang ang room namin sa isa't isa.

Bakit kaya? Sana naman at ngayon na pumunta ang gaganap sa romeo para makapag simula na kami.

Pumasok na rin ako sa room at tama lang din kasi kadadating lang ng teacher sa english.

"What is love?" bungad sa amin ni Ma'am at napangiwi ako. Pesteng love yan at tignan mo nga naman lahat sila active na magrecite ngayon.

'Nakakayaman ba ang love?' gusto ko sana itanong pero mahal ko pa si grades. Kami yata ang true love ng isa't isa.

"Love is mystery." sabi ng isa kong klasmate at may tinawag ulit si prof.

"Ms, Fernandez. What is love for you?"

"God is love." sagot naman niya. Buti ako nananahimik lang sa sulok bahala na silang magrecite.

Puro love na lang hindi naman yan nakakain.

Nagulat naman ako ng may kumalabit sa akin kaya tinignan ko siya. May itinuro siya at nakita si Ma'am salubong ang kilay.

shit sige lutang pa.

"Ms. Nievera kanina pa kita tinatawag. Ano tulala ka diyan?!" Oh no my grades please mahal pa kita kaya huwag mo akong iwanan.

"Sorry Ma'am." hingi kong tawad at napayuko na lang sa kahihiyan. Lupa lamunin mo na ako ngayon na.

If We Could HappenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon