Chapter 18

22 0 0
                                    


—ପଓପଓ—

Larissa POV

Tanghali na at papunta na ako sa pinag usapan meeting place nang makasalubong ko si Matthew kaya kasama ko siya ngayon naglalakad. Naka school uniform pa ito at pauwi na siya sana daw. Malapit lang pala ang school nila. Bigla niya na lang ginusto na ihatid ako ng sinabi ko kung sino ang mga makakasama ko.

"Kamusta pala yung gift mo? Nagustuhan niya ba?" tanong ko at tumingin sa kaniya.

"Siguro. Binato niya sa mukha ko yung box." sabi niya at hindi ko na napigilan tumawa.

"Kakaiba pala siya magpakita ng appreciation. Baka naman may kalokohan kang sinabi"

"Binigay ko yung resibo pagkatapos kong isuot sa leeg niya yung necklace"

Napangiwi naman ako "The fuck?"

"I was just joking pero bigla niya na lang binato sa mukha ko yung box" sabi niya at ngumuso.

"May pagkabaliw ka rin pala"

"We were supposed to go home together pero nung pinuntahan ko siya sa klase niya sabi nakauwi na." para naman itong batang nagmamaktol. "Kaya pala nung break hiniram niya yung susi ng kotse ko. Gagantihan niya pala ako"

"Buti nga" pang aasar ko at sinamaan niya ako ng tingin.

"Bestfriend!"

Napatingin naman kaming parehas ni Matthew sa sumigaw at nakita sila Jeremy na sa harap ng itim na Van.

"Parang ikaw lang walang kapartner" bulong niya sa akin.

Napakunot ako ng noo at tinignan siya "Sana mabasted ka"

Ngumisi naman siya "I know she loves me. How about you?" sabi niya at napairap na lang ako.

Hindi ko naman namalayan na nakalapit na pala kami kila Jeremy. Tinignan ko ang mga ito at mayroon silang nakakalokong ngiti.

Napailing na lang ako at tinignan ang katabi kong si Matthew na nakangiti na nakatitig kay Marcus. Mahina ko siyang siniko ko kaya napatingin siya sa akin.

"Ano na?"

Ngumisi siya at lumapit sa tenga ko "Goodluck sa pagiging eight wheel mo" bulong niya kaya mahina ko siyang kinurot sa tagiliran niya.

"Sige Larissa salamat nga pala nung isang araw" tumango na lang ako at humarap ito sa mga kasama ko. "Paki ingatan si Larissa. Hinatid ko lang siya"

Napailing na lang ako "Sige umuwi ka na" sabi ko at tinulak tulak siya. Kakakita lang namin ulit nung isang araw kung ano ano na pinagsasabi. Kinawayan ko na ito at tuluyan na siyang nakaalis.

Nagulat naman ako ng bigla akong hinawakan sa magkabilang balikat ni Pressy Raniela.

"Hoy! sino yon? Boyfriend? Manliligaw?"

Napakunot ako ng noo "Huh? Wala yun"

"Hindi nga? Wala ka bang ikukuwento sa aki—"

"Wala akong dapat ikuwento" pagpuputol ko at tinanggal ang kamay niya. Nakita ko naman na isa isa na pala silang sumasakay sa itim na Van.

"Tara na nga"

Pinauna ko si Pressy Raniela sumakay sa Van at pumasok na rin ako. Nilibot ko ang paningin ko sa Van at nakita ang puwesto na lang ay sa tabi ni Marcus. Nakaupo siya malapit sa window ng Van. Sayang gusto ko dun. Wala naman na akong choice kaya umupo na ako sa tabi niya at kapag nag-inarte pa ako baka matagalan pa kami.

If We Could HappenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon