Chapter 4

13 1 0
                                    

I'll catch you if you fall

—ପଓପଓ—

Larissa POV

Higit isang linggo na rin ang nakalipas nung nagsimula silang magrehearsal. At ngayon ay maaga ako nagising kaya hindi ako late. Oh diba improving pero ang totoo dalawang oras lang tulog ko. Tinapos ko pa kasi yung mga gawain tinamad kasi akong gawin kaya naipon. Minsan nagprocastinate din kaya ako.

Nang makarating na ako sa school ay kinawayan ko si Manong guard at kita sa mukha niya ang gulat. May sinabi siya pero hindi ko narinig dahil nakasuot ako ng earphones at ang sarap kayang maglakad kapag nakikinig ka ng music.

"I've been thinking bout you lately. Maybe you could save me from this crazy world we live in. I know we could happen" sabay ko sa kantang 'We could Happen'

Good vibes dapat sa umaga

Bigla naman may humarang sa akin papasok ng room at nagsalita siya. Tinaas ko yung kamay ko para sabihin wait lang. Hindi niya ba nakikita nakasuot ako ng earphones? Mga tao talaga kapag umaga hindi gumagana ng maayos ang utak.

"Bakit?" tanong ko sa klasmate ko ng matanggal ko na sa tenga ko ang earphones.

"Ang sabi ko walang klase ngayon pero may iniwan yung teacher natin sa Science na isang long quiz" may inabot siya sa akin na papel. Kinuha ko naman ito at nagtaka ng inilahad niya sa akin ang kamay niya.

"Two pesos ang paxerox. Bayad mo?" napairap naman ako at agad na kinuha ang barya sa bulsa ng palda ko.

Ano ba yan

"Dalawang piso na lang hindi pa inilibre" sabi ko at inabot sa kaniya yung pera.

"Wala na daw libre ngayon sabi ni Ma'am" sabi niya at umalis na sa harapan ko.

Pumasok naman na ako sa room at agad na umupo sa puwesto ko. Inilapag ko na ang bag ko at yung test paper sa arm chair.

Kailan naman na pumasok ako ng maaga dun pa nawalan ng klase. Sayang rin ang pagpupuyat ko para tapusin yung mga gawain na binigay nila mukhang bukas pa nila kukunin. At ito talaga si maam sa science nag iwan pa ng test hindi na lang pinagpabukas.

Inilibot ko naman ang mata ko sa room. Nakita ko may iilan na nagsasagot na ng test, may iba naman natutulog, may busy magkwentuhan at mawawala ba yung mga feeling runners sa room.

Napakunot ako ng noo ng may napansin na papalapit na basahan ng Black board sa akin kaya yumuko ako para iiwasan ito. Nang nakita ko ito sa sahig ay pinulot ko ito at lumingon sa taong nagbago nito.

"BWISET KAYO MUKHA BANG BLACK BOARD ITONG MAGANDANG MUKHA KO?! HA?!" sigaw ko sa kanila at tumayo. "HINDI ITO PLAYGROUND AT MALAKI NA KAYO MGA BWISET" ibinato ko sa kanila yung basahan at sakto sa mukha ng isa ito tumama

Buti nga

Inirapan ko sila at bumalik sa pagkakaupo. Ang aga aga tumataas presyon ng dugo ko sa kanila. Kinuha ko naman yung ballpen at notebook ko sa science.

Open notes mga men

Halata naman open notes ang long quiz at wala naman sinabi na bawal tumingin sa notes namin. At may sasaway ba sa amin kung bawal?

If We Could HappenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon