Chapter 23

12 0 0
                                    


—ପଓପଓ—

Larissa POV

Itong mga nakaraan araw at buwan napanood ko kung gaano onting onti gumaling si Kuya. Naging malaking tulong talaga ang heart transplant surgery sa kalagayan niya.

Nang ginanap ang burol ng naging donor ni kuya ay dumalo kami bilang pasasalamat at tatanawin talaga namin ito bilang malaking utang na loob. Nakilala namin ang magulang ng donor at ang masasabi ko lang may mabuti siyang puso. Siya si Alicia Major nanay ni Angel Major na naging donor ni kuya. Napakabait niya at ngayon wala na ang nag iisang anak niya mag isa na lang siya ngayon. Higit sampung taon na daw nung pumanaw ang kaniyang asawa.

Rest in paradise, Angel.

Nung unang pasko ko dito sa LA ay inimbitahan namin si Nanay Alicia dahil ang mga kamag-anak niya nasa ibang bansa. Naging malapit rin ako kay Nanay Alicia kaya parang nagkaroon ako ng pangalawang ina.

Habang tuluyan nagpapagaling si Kuya tinutukan ko ang klase ko online para matapos ko ang natitira ko pang quarters sa high-school. Hindi naging madali pero nakagabay sa akin si Mama kaya nakaraos rin at nakakuha ng diploma.

Pagkatapos kong makakuha ng diploma sakto na simula na ng klase dito para sa college. Pinagpatuloy rin ni Kuya Lucas ang Medical degree niya. Habang ako ang kursong kinuha ko Bachelor of Arts in Journalism. Sigurado na ako sa path na tatahakin ko at masaya ako dahil suportado ako ng magulang ko.

Nang magsimula ang unang semester napaka uncomfortable dahil isa akong foreigner students. Magkaiba ang schedule namin ni Kuya Lucas kaya minsan lang kami magkita sa University. At mayroon akong nakilala  na bagong kaibigan. Siya si Carlos Hernandez o Carl my gay friend. Ang kurso niya ay Business and Management.

Nagkakilala kami sa isang klase at naging magkagrupo. Duon ko nalaman na pilipino rin siya at magaling sa Aikido. Natutunan niya daw ito dahil ang aikido ang parang naging bonding nila ng pumanaw niyang lolo. At naging beneficial din daw sa kaniya kalaunan dahil nakatanggap siya ng maraming medalya at scholarship.

Kasalukuyan desperas na ngayon ng pasko at ito ang pangalawang pasko na dito ako magcecelebrate. Iba pa rin ang pasko sa pilipinas. Mas masaya doon. Tinapos ko ang mga paper works ko para maenjoy ko man lang ang pasko na lahat kami ay kumpleto at wala sa hospital.

"Merry Christmas, Larrisa" bati sa akin na kadadating lang na si Nanay Alicia.

"Merry Christmas, Nanay Alicia. My mom been waiting for you" bati ko rin sa kaniya.

"Oh really? Where is she?"

"She currently busy cooking at the kitchen" sabi ko at ngumiti. Ibinigay niya ang dala niyang mga regalo at dumeretso sa kusina.

Inilagay ko naman ito sa ilalim ng Christmas tree. Sa totoo lang September pa lang may nakatayo ng Christmas tree sa bahay. Ang Christmas kasi ang paboritong holiday ni Papa.

"Hey Larissa let's have a date" biglang sulpot ni Ate Melody sa tabi ko at pinulupot niya ang kamay niya sa braso ko.

Napakunot naman ako ng noo "Huh? Bakit ako ang inaaya mo?"

"Nagsasawa na kasi sa akin ang KUYA LUCAS mo" sabi niya at lumingon sa likod. Nakita ko si Kuya Lucas na palapit sa amin.

"Hey that's not true" sabi ni Kuya Lucas at pilit na tinatanggal ang pagkapulupot ng kamay ni Ate Melody sa braso ko.

If We Could HappenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon