Chapter 11

18 0 0
                                    


—ପଓପଓ—

Larissa POV

Isang oras na nakalipas nang dumating si Marcus at nahihirapan na akong magpanggap na nagbabasa ako. Hindi ko na nga alam takbo ng kuwento basta pagkalipas ng limang minuto ililipat ko na ang pahina. Ang ganda pa naman ng kuwento pero hindi ako makapagfocus dahil alam ko nakatitig siya sa akin.

Someone save me please

Napaangat ako ng tingin sa kaniya ng marinig ko siyang tumawa. Bakit ba siya nandito? Boring ba ulit buhay niya? May kailangan ba siya? Bakit niya ba ako iniwasan?

"Let me see at malaman ko bakit sobra ang pagkunot ng noo mo" huli na makapagreact ako dahil nakuha na niya sa kamay ko ang hawak kong libro.

Napaayos naman ako ng upo at tinignan siya na ngayon binabasa ang libro ko. "So you're in the part na alam nilang may feelings sila pero hindi nila masabi"

Nandun na ako?

Teka nga lang. Spoiler siya ha. Hindi ko nga alam nangyayari sa kuwento simula nung dumating siya. Bakit kasi dumating siya eh. At ano na naman bang  trip niya at kinakausap niya ulit ako? Halos isang linggo niya ako hindi kinausap pero tignan mo siya ngayon. Feeling close. Joke

"Nagbago ba ang ihip ng hangin at kinakausap mo na ako ngayon?" agad ko naman tinakpan ang bibig ko. Minsan talaga may sariling buhay ang bibig ko.

Tumingin siya sa akin at inilapag sa mesa ang libro ko. "No. Diba sabi mo ayaw mo sa makulit"

"Huh?" napakunot ako ng noo.

"You told me in our chat remember" maka our chat naman ang lalakeng ito. Parang may ibig sabihin tuloy.

"Look sabi mo ayaw mo sa makulit kaya an—"

"Hindi mo ako kinausap." pagpuputol ko sa kaniya. Ito na naman po kami. Kung may makakakita sa amin aakalain nila na magkasintahan kami.

"Yes but this past few days I noticed that you starting to ignore my presence s—"

"Ano naman kinalaman ng sinabi ko sa inasta mo?" pagpuputol ko ulit sa kaniya. Iba rin talaga takbo ng isip ng isang to. At makasabi naman ignoring his presence hindi naman ganun ginawa ko. Hindi ko lang din siya pinansin.

"I don't want you to hate me. Kaya tinigil ko na ang pagiging makulit kahit hindi naman talaga ako makulit."

Napaiwas naman ako ng tingin. "Ewan ko sayo. Ang daldal mo" narinig ko naman ang pagtawa niya kaya napairap ako. Kung ano ano pinagsasabi. Hindi niya ba alam na kung anong epekto ng binibitawan niyang salita sa nararamdaman ko.

"Atsaka ang sabi ko lang naman ayaw ko muna ng makulit kasi may ginagawa ako. Kung ano na naman tinakbo ng isip mo at iniwasan mo ako" isinandal ko ang likod ko sa upuan at pinagkrus ang kamay. Wait nga lang. Sinabi ko ba talaga yung dulo? Ang bibig ko talaga.

"Why does this thing is a big deal for you?" napatingin naman ako sa kaniya at nakita na nakalumbaba ito.

Akala ko aalis ka na ng tuluyan

"Hindi daw makulit pero tignan mo sarili mo ngayon. Bak—" hindi naman na tuloy ang sasabihin ko ng nagsalita siya.

"Sayo lang naman ako makulit"

"Oh tignan mo na. Sa akin ka la—" napahinto ako ng mag sink in sa utak ko ang sinabi niya. Ano nga ulit? Sa akin lang siya makulit? Wait. Hindi. Huwag ko dapat lagyan ng meaning.

"Oh bakit ka napatigil diyan?" natatawa niyang sabi kaya inirapan ko siya.

"Bakit ka ba nandito? May test bukas tapos gumagala ka" pag iiba ko. Nanahimik ako dito nababasa tapos dadating siya.

If We Could HappenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon