14: Afterkiss

47 3 0
                                    

TEN's POV

Naramdaman ko ang unti-unting pagpatak ng ulan. Halos sabay kaming kumalas sa halik.

Shit! "Umuulan!" sigaw ko.

Hindi maalis ang titig ko sa mapulang labi ni Johnny. 

Bwisit kang ulan ka! Panira ka ng moment!

Bigla akong nakaramdam ng pagkahiya nang magsimula na naman siya mang-asar. Tumakbo ako at iniwan siya don pero narinig ko ang halakhak niya at alam kong sumunod siya sa akin. Hindi ako pwedeng mabasa! Baka bumakat ang fake kong boobs!

Tangina naman, Ten. Akala ko ba hindi ka pinalaking marupok?

Tahimik lang kami sa sasakyan hanggang sa makabalik sa resort. Dumiretso na agad ako sa room ko sa taas ng hindi siya nililingon.

Holy shit!

Ang tanga mo! Ang tanga tanga mo!

Bakit hinayaan mong halikan ka?! At gustong-gusto mo naman?

I keep on blaming myself hanggang sa pagkatapos kong maligo at nahiga ako sa kama. Alas-siyete pa lang pero inaantok na ako. Na-ubos ang energy ko sa halikan namin. Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman. Nalilito ako kung anong iisip ko ngayon.

Nakakagalit na hinalikan niya ako. Pero mas galit ako sa sarili ko dahil nagustuhan ko iyon. At ako pa mismo ang nag initiate ng mas agresibo!

Shit ka talaga!

Hindi ko tuloy alam kung paano ko siya haharapin bukas!

Syempre mag-eexpect 'yun. Ganon naman ang mga lalaki. Baka isipin niyang okay lang na halik-halikan niya ako? Una sa lahat, labag yon sa kontrata. Pero depende naman sa amin 'yon?

Eh, gusto ko din naman!

"Tangina!!!" Tinakpan ko ang mukha ko ng unan at sumigaw. Naiisip ko ang mga labi niyang malambot at ang amoy niya na bumalot sa sistema ko.

Dati naman, kaunting hawak lang ng kliyente nagiging sensitibo na ako. Pero kapag siya?

Bumuntong hininga ako at inayos ang sarili.

Baliw na yata ako...

Mas malakas ang tama ng after kiss! Para akong nawawala sa tamang pag-iisip. Ayoko pa naman ng nag-iiwan ng ganitong experience sa kliyente.

Narinig ko ang katok sa pinto. Sa gulat ay nauntog pa ako sa headboard.

"Aw!" daing ko.

"Kitty? Can we please talk?" tanong ni Johnny sa labas.

Hindi ako nakasagot. Hindi ako nakadisguise! Anong gagawin ko? At ano naman sasabihin niya? Gusto mo pa ng part two, Johnny?

Please lang!

Gusto ko rin pero hindi ngayon!

Hindi ko na kaya ang mga bumabagabag sa utak ko. Lumapit ako sa pinto at siniguradong nakalock 'yon.

"Why?" tanong ko pabalik.

Narinig ko ang malalim na buntong hininga niya. Disappointed ka niyan?

"Why don't you open the door?"

"I'm tired... matutulog na sana ako..." sabi ko sa malambing na boses.

"Okay... uh. I just want to say that we'll leave early tomorrow and you should fix your things. Doon na lang tayo tutuloy sa last resort na pupuntahan natin..."

Hindi ako nakaimik. Gusto ko siyang labasin at hilahin papasok dito sa loob.

Ang katahimikan ay nakakamatay. Tanging tunog lang ng aircon ang naririnig ko.

Indak | 𝘑𝘰𝘩𝘯𝘵𝘦𝘯Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon