Dream in a Dream

286 14 5
                                    

TEN's POV

"Naku! 'Wag ka mag-alala hindi naman natin tunay na anak yung bata, anong pumipigil sa 'yo?" Sabi ng boses babae.

Ang mga tinig ay nagmumula sa labas ng kwarto ko.

"Ano ka ba naman, kita mong kakaampon lang natin. Paano kung i-check ng DSWD?" Balik na bulong naman ng baritonong tinig.

Hindi malinaw kung anong pinag-uusapan nila pero kinakabahan ako. Gabi na at tahimik kaya rinig ko ang mga mumunting ingay. Mula sa ikalawang palapag kung nasaan ang kwarto ko, dumungaw ako sa hagdanan.

Pinakinggan kong mabuti ang pag-uusap ng dalawang matanda.

Pangatlong linggo ko na rito sa bahay ng mag-asawang umampon sa akin at mabuti naman ang tungo nila.

"Gago! Ubos na ang perang galing sa huling raket natin. Anong kakainin natin sa mga susunod na linggo? Ang lakas pa naman kumain nung batang 'yon!"

Hindi ko maintindihan.

Ako ba ang pinag-uusapan nila?

Humakbang ako pababa sa hagdanang kahoy.

"Kakausapin ko muna si Boss kung pwedeng bigyan tayo ng allowance. Sa katapusan na natin ibigay ang bata."

Nag-iinit ang mga mata ko.

Wala naman ibang bata rito kundi ako lang. Nanlalabo na ang paningin dahil sa luha, pinipigilan ko ang paghikbi ko. Sa tuluyang pagbaba, naabutan ko ang mga nanlilisik na mata ng dalawang taong itinuturing kong unang pamilya.

Sa takot ko ay napasigaw ako at tumakbo pabalik sa kwarto ko.

Naririnig ko ang mga hakbang nila...

Papunta sa akin.

Kumalabog ang pinto nang makapasok ako at agad na nagtago sa ilalim ng papag. Pilit kong pinipigilan ang paghagulgol habang unti-unting bumubukas ang pintuan.

Palakas nang palakas ang kabog ng dibdib ko... nang biglang huminto at nawala ang ingay. Unti-unti akong lumabas pero biglang may humila sa akin.

"Ahh!!"

Sinusubukan kong kumawala sa kamay ng mga taong pinagkatiwalaan ko.

"Tulong po!!!"

Unti-unti akong kinakain ng dilim na tila ba...

"Ten! Ten! Ten!" Nagising ako dahil sa pamilyar na tinig. "Binabangungot ka na naman! Okay ka lang ba?" Si Ced.

"Shit... Oo, okay lang ako. Nakatulog ako sa pagod."

Nag-unat ako at tinignan ang oras sa cellphone ko.

"Alas otso na pala." Sabi ko at niligpit na ang hinigaan.

"You practiced so hard yesterday, that's why you're tired?" Pang-aasar ng kaibigan ko.

"Shut up. Even if I don't prepare anything, I can pull off a great stage." Sabay kindat sa kanya.

"Tang ina, yabang!"

Nadinig ko ang halakhak niya.

Iniwan ko siya para maligo. Busy sa pag-liligpit ng mga damit na gagamitin ko mamaya. Bait talaga!

Habang hinuhubad ang mga damit, napatulala ako sa ibabang bahagi ng katawan ko.

Natawa ako sa ideyang bata pa lang ako, alam ko nang parang merong mali sa akin. Hindi ko akalain na ang una kong matututunan e ang bagay na 'yon.

Indak | 𝘑𝘰𝘩𝘯𝘵𝘦𝘯Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon