LUCAS' POV
Kitang-kita ko ang biglaang pagtigil ng lakad niya at unti-unti paglingon sa akin.
"Ten Lee?"
Tinitigan niya ako bago bumulong sa bouncer. Pagsenyas nila sa mga nakahawak sa akin ay binitiwan nila ako at itinulak. Naglakad ako nang nakasunod kay Kitty. I can't believed I'm doing this.
Pumasok siya sa isang room at hahakbang na sana ako papasok pero pinigilan ako ng bouncer.
"Kuya, papasukin mo..." sabi niya at tumalikod.
Kinapkapan ako ng bouncer bago ako tuluyang makapasok sa loob ng isang ekslusibong kwarto. Hindi na ako nag-abala na isarado ang pintuan pero narinig ko ang tunog ng lock non na paniguradong sinara ng bouncer.
Maliwanag sa loob ng room at kita ko ang halera ng mga costume at make up.
"Who are you? Bakit alam mo ang pangalan ko?" Tanong ni Kitty nang hindi inaalis ang maskara.
Kumunot ang noo ko bago bumuntong hininga. Unti-unti niya naman tinatanggal ang mahaba at itim niyang gloves sa kamay bago umupo sa upuan sa tapat ng malaking salamin.
"My name is Lucas."
Inilahad ko ang kamay ko sa kanya pero napahiya lang ako.
"Actually, you really don't know me but... I know you?" Bawi ko.
Hinubad niya ang suot na itim na boots. Bumunot siya ng malalim na hininga bago tinanggal ang maskara. Nanindig ang balahibo ko nang masilayan ko ang maganda niyang mukha na kayang-kaya lokohin ang kahit na sino. Hindi na ako nagtaka.
Tumikhim siya.
"Oh?" Aniya.
Nadistract ako sa pagtitig sa kanya at hindi ko na alam ang sasabihin ko. Kinapa ko ang bulsa ng leather jacket at kinuha ang maliit na lalagyan.
Iniabot ko sa kanya iyon.
Kita ko ang pagtataka sa ekspresyon niya pero kinuha niya rin naman iyon. She opened it and I saw her shocked expression. Ibinalik niya ang tingin sa akin. Nagtatanong. Nagtataka.
"Napulot ko yan two years ago sa isang orphanage. I don't mean to read the letter but I'm curious kung kanino iyan. It got my interest so I paid attention to it. Turns out you're the owner..." paliwanag ko.
Hindi siya umimik at binuksan ang nakatuping sulat. Kunot ang noo habang nagbabasa, alam kong pinipigilan niyang umiyak. Nakaramdam ako ng awa at unti-unti akong lumapit sa kanya.
Tinapik ko siya. "I'm sorry kung nabigla ka. I'm sorry din kung nakikialam ako. I just thought that it was important..."
Narinig ko ang hikbi niya at agad niya naman inalis ang takas na luha.
Halos dalawang minuto bumalot ang katahimikan.
Inangat niya ang tingin sa akin. "Thank you pero... paano mo nalaman na ako 'to?"
Iniwas ko ang tingin ko.
Tumayo siya at napaatras ako.
Humugot ako ng malalim na hininga bago nagsalita. Humalukipkip siya at umirap.
"My friend helped me investigate. I'm really sorry. But I've been here a few times watching you. I don't know that... that was you in the picture. Hindi ko na sana pakikialamanan pero nalaman ko bigla na ikaw yan. I'm sorry."
Bumalot ang katahimikan. Hindi abot rito ang tunog ng musika sa labas dahil sa dulo ito banda.
"You're a stalker?"

BINABASA MO ANG
Indak | 𝘑𝘰𝘩𝘯𝘵𝘦𝘯
Fanfic"To dance in time with the music..." √ Finished - January 18, 2022 √ Written in English and Tagalog √ Edited version • • • NOTE: The book is purely created in the author's mind. Some places in the book were real but most of it is not. This is not a...