5: Care

70 5 0
                                    

TEN's POV

"Stop crying..."

Binalot ko ang katawan ko sa kumot at pilit na kinakalma ang sarili.

Nilalamig ako at para bang may humihila sa buong katawan ko para tumakbo pero pilit ko iyong nilalabanan.

"Ten... should I call Tita?" Si Ced sa nag-aalalang boses.

Hindi ako sumagot dahil hindi maayos ang paghinga ko.

Gusto ko mawala.

Gusto ko tumakbo.

I am crying for about half an hour now.

These days, my anxiety attacks worsen and I always cry in my sleep.

Akala ko okay na at magpapatuloy na ang paggaling ko pero parang bumabalik pa rin ako sa dati.

Medyo kumakalma na ako at sinubukan kong umupo. Hinagod ni Ced ang likod ko habang inaalalayan ako sa pag-inom ng tubig.

Isa ito sa mga dahilan kung bakit ako nag leave muna sa Bar.

Hindi ko alam pero... kahit pala gusto ko ang ginagawa ko, hindi ko pa rin masasabi na masaya talaga ako.

Madaling araw na ngayon at nagambala ko pati ang tulog ng kaibigan ko. Nagkaroon na naman kasi ako ng masamang panaginip.

My nightmares worsen.

Minsan, ayoko na lang matulog para siguradong hindi ako mananaginip.

Even in my dreams, I'm not happy.

Hindi ko kinaya at ngayon nahihirapan ako sa paghinga dahil sa kakaiyak.

Kailan kaya matatapos...

"Sorry naabala ko pa tulog mo..." Sabi ko nang medyo kumalma na ako.

"Ano ka ba, okay lang..."

Nginitian ko siya.

"Medyo gumagaan na pakiramdam ko pero hindi na siguro ako makakatulog..."

"Do you want to jog? It's almost four AM anyway... or puyat ka ba? Late ako nakauwi kagabi eh."

"Uh, not really... tara."

Nagbihis kami at nag jogging sa loob lang ng Subdivision.

'Yung mga problema na pilit kong iniiwasan parang linta. Laging nakakapit sa akin kahit minsan hindi ko namamalayan.

"Tss..."

Nilingon ko si Ced na kahit katabi ko lang ay parang napakalayo ng isip. Kanina pa naka busangot eh.

"Problema mo?"

"Not a big deal but there's this annoying guy... who keeps on messing with me."

Tinawanan ko siya habang pipunasan ko ang pawis ko sa mukha. Naku! Baka future jowa mo na 'yan.

"He keeps on flooding messages on all my social media accounts. He's creeping me out..."

His face started to crumble and continoualy shake his head.

"Baka naman seryosong may gusto sa 'yo!"

"I don't even want to think about it. FYI, he's my classmate back in high school at 'di kami close. Dugyot kaya nun dati!" Utas niya.

I laugh loudly at his remark.

"What... you're so judgemental! People change. Bakit, dugyot pa rin ba ngayon?"

"Iyon nga! He's a hunk now! I don't know, I just don't like him..."

Ngumisi ako at pinagmasdan siya.

Indak | 𝘑𝘰𝘩𝘯𝘵𝘦𝘯Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon