3: Beautiful

107 8 4
                                    

TEN's POV

Papunta ako ngayon sa Performing Arts Theatre. Natanggap ako sa audition last week at ngayon papunta na ulit ako dito para sa practice.

Nasabi ko na rin kay Tita and she offered me her place to stay para hindi na ako magc-commute palagi.

Hindi na rin ako tumanggi because it's really hassle.

My role is just a side character. Isang anak ng mayaman. This is my first time so I accepted the role that they gave me kahit mamamatay agad. Natawa naman ako sa naisip ko.

"Ten! What's up?"

"Win! I'm good. Medyo kinakabahan pa rin kahit nakapag-practice na ako nung nakaraan..."

"Naku masasanay ka rin! Alam kong magaling ka at kung magustuhan mo dito, you can freely apply as a regular member of the troupe.."

"Thank you so much..."

Natapos ang rehearsal ng mabuti dahil mga professional na ang kasama ko. Medyo naga-adjust pa rin ako sa atmosphere dahil matagal akong hindi nakapag-perform sa Tiyatro.

I was a member of a troupe back in college and I played some side roles too.

Pero iba na ngayon.

The audience is wider at marami akong beterano na kasama. Totoong nakakakaba dahil hindi tulad sa Bar, may takip ang mukha at walang nakakakilala sa akin.

Walang nakakaalam sa katauhan ko...

Naghihintay ako ng sasakyan when Ced called me. He said we have something to talk about but don't have any idea about it.

Ano naman kaya iyon?

Siguro nabuntis na siya nung lalaki niya? Kaya siguro medyo busy siya nitong mga nakaraang araw?

Oh my...

Gaga! Paano mabubuntis 'yon eh nakipag-espadahan? Bugok!

Nang makarating ako sa Apartment, I saw Ced sitting on the couch while busy in his laptop. He didn't even notice that I'm here already.

"Hoy!"

Napatili siya dahil sa gulat at tinawanan ko naman siya.

"Ano ba! Gusto mo na ba ako mamatay?"

"Hindi mo napansin na nandito na ako siguro ka-chat mo jowa mo?"

"Gaga! May nir-research akong importante..."

"Oh? What is it?"

"Kain ka muna. I'll tell you later."

"Okay..." Kibitbalikat ko.

Dumiretso na ako sa kwarto ko at nagpalit ng damit. Wala akong ideya kung ano ang pag-uusapan namin but I'm sure it's serious.

'Pag labas ko ng kwarto ay busy pa rin siya kakapindot sa laptop niya. I'm eating while browsing on my phone. Nagbukas ako ng instagram at napangiti nang bumungad ang picture ng isang magandang babae.

A woman my age who is a natural-born redhead model.

I admire her for being confident with her face, body, and what she does. I always look at her feed and wonder If I can do what she can...

I sigh.

Despite everything I have, some things still bother me.

Hindi mo talaga mamamalayan na kinakain ka na ng kalungkutan. Kahit piliin mong sumaya, sa loob ng puso at isip mo... alam mong may kulang.

Naupo ako sa sofa pagkatapos kumain.

"So... I have something to tell you. First of all, I have already talked about it with Tita. I asked her first kasi baka magkamali ako ng kilos..."

Indak | 𝘑𝘰𝘩𝘯𝘵𝘦𝘯Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon