TEN's POV
Sabado at ngayon ang araw ng play. Halos hindi ako makatulog dahil sa kaba na nararamdaman ko.
"Okay ka na ba?" Win asked while driving.
Papunta kami sa Theatre at madaling araw pa lang. Hindi naman ganon karami ang role ko pero iba pa rin ang kaba dahil maraming manunuod sa akin. Kaya pilit kong kinondisyon ang sarili ko.
At ilang araw ko na kinukumbinsi si Ced. Pero hindi pa rin niya ako pinapayagan.
"Not really..." I said.
Bumuntong hininga siya.
Pagkatapos ko siya makita noong araw din na iyon sa unit ni Johnny, hindi ko pa naipaliwanag sa kanya. Pero ngayon, alam niya na ang nangyayari sa akin. Kinuwento ko sa kanya kahapon pagkatapos ng general practice namin. He even know that Tita were in prison.
"So... aalis ka na talaga pagtapos?" tanong niya.
Tumango ako.
"Tita said there might be people after us. It's for our safety..."
"How about... Johnny?"
Ngumuso ako at naglabas ng malalim na hininga.
"Hindi na siguro... Ced won't let me have my phone. I can't contact him." I sigh.
"Huwag na lang... baka hindi ko rin kayanin na umalis kapag nakita ko siya."
Ipinarada niya ang sasakyan.
"Nakalimutan mo bang kaibigan ko 'yon?" Tumaas ang kilay niya.
Bumilog naman ang mata ko.
Oh, shit!
"Ano? Do you want to see him?"
Hindi ako agad nakasagot.
"I'll give you his number after the play. You decide. I don't want you to regret this..."
Ngumiti ako.
Napakaswerte ko sa kanya. I will miss him. Hindi ko alam kung kailan ako makakabalik.
Habang pinapanuod ang performance sa likod, sobra ang kaba ko. At lalo na noong malapit na ako. Laking pasasalamat ko na nakasuporta ang mga kasamahan ko. I did the first scene smoothly. Singing with my mother, I felt so emotional pero nagpatuloy ako.
In my last scenes, I was a bit unstable. I almost got lost when I saw Johnny in the crowd.
Sa gulat ko ay hindi ko nagawang mag celebrate sa backstage pagtapos ko sumalang.
"Nakita mo siya?!" Umalingawngaw ang boses ni Win sa dressing room.
The play was done before lunch. Hinintay ko siya para makapagusap pa kami.
Napahilamos ako. "I saw him. Beside your boyfriend!"
Umirap siya.
"Hindi niya sinabing kasama niya pala si Johnny. Oo nga pala, his father is one of the producer pero hindi ko nakita si Tito. Baka siya ang representative." Humiga siya sa sofa. "Ano? Makikipagkita ka?"
Kanina ko pa pinag-iisipan iyon.
Bumangon siya bigla. "Ay shit, nga pala! Mamaya pala 'yung party!"
"Anong party?"
"Anniversary nga pala ng Tita at Tito niya. May malaking party mamaya. Pupunta kami."
"Bakit ngayon mo lang sinabi?"
Ngumiwi siya. "Ngayon ko lang naalala!"
Sa huli, kinuha ko rin ang number ni Johnny. Mayroon ding celebration after the play pero hindi na kami sumama ni Winwin. Sinundo siya ng boyfriend niya at sinundo rin ako nila Ced. Nandito pa rin kami sa bahay ni Lucas. Hindi ko alam kung mahihiya na ako o ano pero nagpupumilit siya na ayos lang daw.
![](https://img.wattpad.com/cover/247322205-288-k281688.jpg)
BINABASA MO ANG
Indak | 𝘑𝘰𝘩𝘯𝘵𝘦𝘯
Fanfiction"To dance in time with the music..." √ Finished - January 18, 2022 √ Written in English and Tagalog √ Edited version • • • NOTE: The book is purely created in the author's mind. Some places in the book were real but most of it is not. This is not a...