33: End

34 4 0
                                    

JOHNNY's POV

Pinagmasdan ko si Ten na naglalakad kasama si Lucas na kaibigan niya daw. I can't believe he's been with this guy for the past years.

"Buti hindi naagaw sa 'yo." Nilingon ko si Calvin at nginisian.

"Sa akin lang siya may interest."

Humalakhak siya at umiling na lang.

Umupo ako sa isang bench. This cemetery looks unreal. Balita ko ay tanging mga taga bario lang ang inililibing doon. Ten said that her mother was buried here. Ikinuwento niya sa akin kagabi ang nangyari sa kanya. Mula pagkabata. Kaya kami medyo napuyat kami kagabi. I never thought that she will experience that. Alam kong nakapakahirap noon para sa kanya. Kaya wala na akong dahilan pa para iwan at saktan siya.

She's been through a lot. I don't want to ruin her.

Lumapit ako kay Ten matapos ang ilang minuto. She didn't cry but she looks sad, of course. Siguro'y nanghihinayang na hindi na niya makakausap ang ina.

"Iha, kaano-ano niyo si Shia?"

Lumapit ang isang matandang tingin ko'y tagabantay rito.

Ten looked at me before answering. "Ah... anak niya po ako."

Bahagyang natigilan ang matandang lalaki. Tinitigan niya saglit si Ten bago ngumiti.

"Sobrang magkamukha kayo..." Ngumiti ang matanda.

"Kilala niyo po ba siya?"

"Aba, oo! Ako ang unang nakakilala sa kaniya dito sa Isla noong araw!"

"Talaga po?"

Ramdam ko ang kuryoso at tuwa sa boses ni Ten. She's longing for her mother. She doesn't even remember her face dahil bata pa lang ay inabandona na. Naupo ang matanda sa upuang kahoy sa ilalim ng puno. Ganon din ako. Habang si Ten ay nakaupo sa tabi ng puntod.

Tumawa ang matanda.

"Mabait at magalang na babae ang mama mo. Napakaganda niya kaya maraming taga baryo ang sumubok na manligaw. Pero wala siyang sinagot ni isa... aniya'y may asawa at anak na siya..." Ngumiti ang matanda.

"Nakatira siya doon sa sunod na bayan pa. Pero palaging pumaparito para maglinis ng mga puntod. Nag-aalok ng bulaklak sa mga turista at nagbebenta rin ng mga gawa niyang kandila..."

Halos ikwento ng matanda ang buong buhay ng mama ni Ten. Tanghali nang magdesisyon kami na mamasyal muna bago bumalik sa Hotel.

Kinausap ko rin ang mama niya at nagpaalam. Alam kong kung nasaan man siya, maririnig niya ang hiling ko na bantayan ang anak niya. At basbasan ako dahil ako ang magiging kasama ni Ten hanggang sa pagtanda namin.

Hapon na nang makarating kami sa Hotel. Nagpahinga saglit bago nagkita-kita ulit para sa dinner.

"Gusto niyo mag tour sa Oslob?" Mark sip on his drink.

I knew it. Hindi rin makakatiis 'to.

Ang sabi ni Ten ay okay lang na gumala dahil tapos niya na ang pinunta niya rito. Umuwi na rin iyong Lucas sa Manila dahil may emergency daw. Mas mabuti na iyon dahil naaalibadbaran ako. Kahit na malaki ang pasasalamat ko sa kanya dahil inalagaan niya si Ten, alam kong may gusto siya rito. Halata sa titig.

"Kayo na lang. Uuwi na ako sa isang araw."

Mabilis kong tinignan ang reaksiyon ni Winston sa sinabi ni Yuta. Kumunot ang noo niya at mukhang nagulat. Ramdam kong mag-aaway na naman sila.

"Ako rin." Mabilis na sabi nito.

Yuta chuckled. "Bakit? Sumama ka sa kanila."

"May kailangan akong asikasuhin-"

Indak | 𝘑𝘰𝘩𝘯𝘵𝘦𝘯Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon