11: Strange

59 3 0
                                    

TEN's POV

Sa sobrang bilis ng araw ay hindi ko na namalayan na ngayon na ang alis namin ni Johnny. Magkikita kami sa Park at sakto naman na may pupuntahan si Ced malapit doon.

Tita came yesterday and she bought a lot of things. Damn, she doesn't miss a thing. Ngayon tuloy ay naparami ang dala ko.

Kumakain kami ngayon at three AM na ng umaga. Nakaayos na rin ang buhok ko at magdadamit na lang.

Narinig ko ang mumunting buntong hininga ng kaibigan ko. Hindi pa rin yata ayos ang problema niya. Pero nabanggit niya na napigilan niya na umalis ang babae. Ngayon ay dadalhin niya ang bata sa Batangas.

Humalukipkip si Ced.

"Make sure na magkahiwalay kayo ng kwarto..." Aniya.

Tinaasan ko siya kilay. "Yes, boss."

Kahapon pa siya hindi mapakali sa pagpapaalala sa akin. Okay lang naman sa akin kasi alam kong concern siya kasi unang beses ko ulit 'to. Kasi last year ay hindi maganda ang huling kontrata.

Tulog ang bata sa likuran habang kami naman ay nagk-kwentuhan. Nagtext si Johnny na andoon na siya naghihintay.

"Ang aga niya naman. Excited lang?" Ani Ced.

Nangiti ako sa kanya.

Ang simoy ng hangin ay sariwang-sariwa pa. Ang mga ilaw sa poste at sasakyan ang nagsisilbing liwanag sa mahabang kalsada.

Sinulyapan ko ang bata na himbing ang tulog.

"Mamimiss kita, baby..." sabay haplos sa pisngi nito.

Napalapit agad ang loob ko sa bata. Sinubukan kong i-advice kay Ced na he should take care of the little boy dahil base sa mga kwento niya, wala yata sa tamang pag-iisip ang ina ng bata.

Hindi niya na nabanggit kung anong dahilan kung bakit aalis ang kaibigan niya. Hindi na rin ako nang-usisa dahil baka lalong mastress.

Nang makarating kami ay natanaw ko agad ang sasakyan ni Johnny sa malayo. Hindi pa naman ako ganon kakomportable sa kaniya pero hindi naman ako nandidiri. Mabait siya at marespeto.

"Omg! Gwapo naman talaga!" Sabi ni Ced sabay baba ng sasakyan.

Umikot siya para buksan ang pintuan. Sumandal siya sa bumper pagkababa ng mga gamit ko. Habang si Johnny naman ay sinimulan ilipat ang bag ko.

"Goodmorning!" Bungad ni Ced na nauna pa sa akin makalapit sa kabilang sasakyan.

Sumulyap sa akin si Johnny at ngumiti.

"Goodmorning..." bati nito.

Agaw pansin ang katangkaran ni Johnny. Lalo na kapag nasa tabi niya ako, ang liit ko tignan. Samantalang magkalapit ang tangkad nila ni Ced. Lord, why?

Nagpaalam na kami sa isa't-isa at nang makaalis na ang manager ko ay sumakay na rin kami sa sasakyan.

Pag-upo ko sa passenger seat ay bumalot sa sistema ko ang pamilyar na amoy. The aircon was open so the smell of Brazilian rosewood hugged my skin. This smell is so addicting.

"I like this smell..."

Hindi ko napansin na sa sobrang pagpuri ko sa amoy ay nasabi ko na ng malakas. Johnny chuckled a bit and rest his head on the car seat. Inabala ko naman bigla ang sarili ko sa pag-aayos ng gamit, nagpapanggap na wala lang iyon.

He smirks. "I like your smell too..."

Oh my-

Ang aga-aga, please lang. Mabuti at medyo dim ang ilaw sa loob ng sasakyan. Baka namula ako sa biglaang kaharutan niya?

Indak | 𝘑𝘰𝘩𝘯𝘵𝘦𝘯Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon