37: Deep

25 1 0
                                    

TEN's POV

Humigpit ang hawak ko sa kamay ni Johnny nang makarating kami sa tapat ng table. Saktong may mga bakante sa mga upuan at tanging parents, tito at tita lang ni Johnny ang nandoon. Wala na doon ang babaeng naka pony at isa pang matandang lalaki.

Gusto kong mahimatay na lang bigla!

They look at us with a curious eyes. Yumuko naman ako at napahigpit ang kapit sa braso ni Johnny.

"Everyone, I'd like you to meet, Ten."

Pansin kong bumilog ang mga bibig ng matatanda sa table. Ang iba ay tumawa ng bahagya at may mga sinabi pero hindi ko na maintindihan dahil sa kaba.

"Good evening po..." Bati ko at ngumiti. Hiling ko na lang na sana hindi ako mukhang natatae ngayon!

Hinawakan ni Johnny ang kamay ng Mama niya habang pigil pa rin ang hininga ko.

"Ma, Dad... She's my girlfriend."

Pumalakpak ang Tita ni Johnny. Nakangiti sila kaya medyo nababawasan ang kaba ko.

Ngumiti ako ng nakitang nakangiti rin ang parents niya. Tumayo ang Mama ni Johnny at nagulat ako ng niyakap niya ako.

"Oh, gosh. She's so lovely... Sit down, sit down..."

Sinunod ko ang sabi niya at hindi na pinigilan ang ngiti. I just know that they're smiling genuinely!

"John... you didn't told us earlier..." His Tito laugh to his father's remarks.

Makahulugan ang tingin nila.

His mother glance at my hair and she smiled at me. "It suits you..." Puri niya.

What is it?

"The hair comb... bagay na bagay sa 'yo..."

Oh!

Kinapa ko ang hair comb at natawa ng kaunti.

"Thank you po..."

"So, kailan ang kasal?" Humalakhak ang Tita niya.

The what?

Nagulat ako kaya napatingin ako kay Johnny. Tumawa rin siya pero hindi ko alam kung nagbibiro ba sila o ano.

"That hair comb is a symbol of proposal, diba Layla? I'm assuming John already proposed? Hmm?" His Tita is so talkative.

"Oh, I remember the day I gave it to you!" Nagtawanan sila sa sinabi ni Mr. Suh. He was refering to his wife, Layla.

And what?

Proposed?

This hair comb?! Oh, God!

Nakilala ko ang Tito at Tita niya. He was right that they are kind. Hindi ko napansin na nawala na ang kaba ko. Even his parents, they are comfortable to be with. Hindi ko naramdaman ng ilang o nakakababa.

Naitanong nila kung saan at ano ang trabaho ko. At first, I was hesitant. Hindi ko pa gusto na malaman agad nila ang history namin ni Johnny.

"Ah... We have business, Bars and Restaurants po."

"Oh, that's nice. Is it in Manila? What is it?" Her Mom looks so curious.

I just remember that the Bar in Taguig got raid years ago. Kung alam man nila 'yon, baka maungkat pa.

"They have it everywhere in Luzon, Mom. And also in Davao."

"Oh! That's where you went, right? Oh! So, did you guys met each other there?!"

Ako naman ngayon ang sumagot.

"Ah, hindi po. We've known each other for years. Close friend ko po si Winston..."

Indak | 𝘑𝘰𝘩𝘯𝘵𝘦𝘯Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon