15: Talk

38 4 0
                                    

LUCAS' POV

Nagpasalamat ako na walang away na nangyari sa dinner. Tahimik lang kami kumain nila mama at alam kong alam nila na ayoko sila kausap. I don't even remember when was the last time we ate together.

Papunta ako ngayon sa kumpanya.

I got my car back and all my bank accounts are not frozen anymore.

Isa lang ito sa kaunting bagay na gusto ko dito. Kaya ko naman kumita ng pera pero hindi sapat para magawa ko ang mga luho ko.

Hindi pa ako nakakapasok sa department ay kita ko nang kumakaway si Xiaojun. Sa tabi nito ay si Kun na nakangiti lang.

"Lucas!" Sigaw nito.

Nang makalapit sa cubicle nila ay binati ko agad sila.

"Bro! Sure ka na ba?" Tanong sabay halakhak ni Kun.

Pinakyuhan ko siya. "Oo!"

Ilang buwan lang ang nakalipas pero parang walang nagbago. Bukod sa na promote si Kun.

I don't really get these two.

They still stick in our company although they have their own. I guess they still want to experience other world bago magpakalugmok sa business ng pamilya nila.

"Damn! The chairman really loves him! Hindi man lang ako inuna? Mas matagal na ako dito kaysa kay Kun?" reklamo ni Jun.

Tumawa ako. "Huwag ka mag-alala ako na magp-promote sa 'yo!"

Umirap si Jun.

"Bakit hindi mo kasi galingan?" Pang-aasar ni Kun.

"Excuse me?" Sagot nito.

Napuno ng tawanan ang department. Mabuti at lunch break ako umabot. Halos walang tao dito ngayon.

"Bibigyan mo na ba kami ng sariling opisina?" Tanong ni Kun.

Hindi ko alam kung nagbibiro siya.

"Bakit, may plano pa kayo magtagal dito?" Sabi ko. "How about your companies?"

Hindi namin napag-usapan ang buhay trabaho noong nag-inuman kami. Kaya ngayon ay labis ang kuryoso ko.

Inayos ni Kun ang table niya.

"I'm not yet ready. Alam naman ni Dad and he's letting me do what I want." Anito.

Bumuntong hininga si Jun. "Sana all..."

Ngumiti ako.

Halos pare-parehas kami ng pinagdadaanan. Lahat magiging tagapagmana ng kompanya.

Ako lang yata ang labag sa loob dahil silang tatlo nila Yangyang ay hilig naman nila iyong business nila.

Sino ba naman ang may gustong maging Chairman ng isang napakalaking kumpanya? At hindi lang ito ang business ng pamilya ko. Okay lang naman sa akin dahil alam ko naman kung paano ito patakbuhin dahil inaral ko din ng ilang taon. Kahit na pagpipinta talaga ang hilig ko.

Ang problema ay pine-pressure ako masyado.

Hindi man lang tumatanggap ng opinyon sila Dad pero wala akong magawa.

My parents are still young. They had me in their teenage years.

I don't get them.

They're so workaholic to the point that they won't listen to me.

Kaya ako umalis.

Hindi madaling pilitin ang sarili mo na gustuhin na lang bigla ang isang bagay. Lalo pa't kailangan mong itaya ang buong buhay mo.

Indak | 𝘑𝘰𝘩𝘯𝘵𝘦𝘯Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon