28: Stay

39 4 0
                                    

TEN's POV

Hindi ko alam kung lalabas ba ako o hindi. Malaki ang chance na makita ko siya kung nagbabakasyon sila dito.

Winston texted me na magkita na lang kami mamaya. Gusto ko silang pag-untugin kung sinama talaga nila ang mga 'yon dito.

Parusa ko ba 'to?

Lumabas ako sa backdoor at natanaw ko si Ced na nakapulupot sa jowa niya. Napairap ako agad. Ang aga-aga.

"Nag-lunch ka na?" Tumayo si Jungwoo.

Hapon na nga pala. 

Umiling ako at nag-unat. Itinali ko ang buhok. Ang tagal ko hinintay na gawin 'to.

"Uwi muna ako. I'll just eat on the way." 

Tumango siya at lumingkis ulit sa malaki at matangkad niyang jowa. They sure had a good sleep together. Medyo pagod pa ako dahil hindi agad ako nakatulog kanina ng maayos.

Alas-dos na kaya medyo mainit ang sikat ng araw. Mabuti at mayroong pathway sa halerang mga establisyemento. Mga sampung blocks pa ang lalakarin ko.

Nagising ako ng maamoy ko ang kape.

Ah!

I entered the Coffee shop at dere-deretso ako sa counter. Kumaway naman agad si Tom nang matanaw ako. I am a regular costumer here. 

"Hey, pretty lady... what's your order? Oh- wait. Nag lunch ka na ba?" Naningkit ang mata niya.

Ngumiti ako. "I'll have my coffee and one slice of buko pie."

Umiling siya. Lumabas ang malalim na dimples niya sa kaliwang pisngi. 

"C'mon. Eat some rice! Samahan kita?" Humalakhak ako at pinanuod ko siyang i-prepare ang coffee ko.

"I'm not that hungry, Tom. Mamaya na lang siguro."

Umangat ang tingin niya sa akin. "Dinner tayo?"

Matangkad si Tom at may lahi. Pero kulang yata 'to sa aruga dahil lagi nanlilibre. Business naman niya kaya pinapabayaan ko na lang.

"I don't think I can. I going to meet some friends."

Inabot niya sa akin ang paper bag at nagbayad sa kanya.

He and I are good friends. His sister Tammy, is my tattoo artist. Nakilala ko sila noong isang taon sa isang rave party sa isang resort. They lived in the upper town but their business is here kaya lagi kaming nagkikita dito.

"Ten!" Hindi pa ako nakakatalikod ay naitaas ko ulit ang tingin ko sa kaniya.

"That's three slices. Ubusin mo 'yan ha?" Kumindat siya.

Nginiwian ko siya.

"Baka malugi ka na!" I heard him laugh. 

Sigurado akong hindi ko 'to mauubos at baka umabot pa 'to ng hapunan. Hindi na ako ganoon kalakas kumain kaya pumayat ako.

Umiling na lang ako at tumalikod na. Umikot bigla ang sikmura ko nang makita ang pamilyar na mukha sa isang sulok. Kusang huminto ang mga paa ko.

Beside Johnny, Tasyo's boyfriend is awkwardly smiling at me. Iniwas ko agad ang tingin ko at binilisan ang lakad palabas. Muntik pa akong matisod puta!

Bungad agad?

Ano, magtatago na lang ba ako sa bahay?

Shit!

And why is he looking at me like that? I feel like he's gonna throw me on the sea any moment when he have his chance!

Ano, pumunta ba siya dito para awayin ako?

Indak | 𝘑𝘰𝘩𝘯𝘵𝘦𝘯Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon