TEN's POV
Nahilo ako pagkatayo ko sa kama. Kanina pa ako parang nasusuka pero wala namang lumalabas.
"Sabi ko sa 'yo, kumain ka ng maayos! Do you expect me to take care of you forever?!" Ibinagsak ni Ced ang isang paper bag sa lamesa.
May lamang gamot iyon.
Ngumiwi ako sa amoy ng ulam na niluto niya. Masarap naman siya magluto pero wala lang talaga akong gana.
"Napakarami naman nitong kanin! Ulam lang-"
Pumamewang siya. "Kung saksakin kaya kita ng sandok?"
Inirapan ko siya.
Nakita niya ako kaninang namumulupot dahil sa sakit ng tiyan. Wala akong gana kumain at nalilimutan ko rin minsan. Tanghali pa nga pala ang kain ko kahapon. Hindi naman ako nagpapapayat pero gusto ng katawan ko magdiet kaya nasanay ako na kaunti lang ang kinakain.
May pupuntahan pa kami mamaya nila Win. Baka hindi na lang ako sumama kung hindi pa rin maganda ang pakiramdam ko. Lalo pa at gusto ko na lang maglaho bigla dahil baka makita ko na naman si Johnny. Panay ang text kagabi pagkatapos namin mag-away.
"Nakakabwisit siya!" Reklamo ko.
Ced sip on his water.
"Nagkita kayo ulit?" Tumango ako.
"Ayoko siyang kausapin. Ced, ikaw na-"
Umiling siya. "Nah. Hindi mo na ako manager. Remember?"
Pinanliitan ko siya ng mata. "Bakit parang nagbago ka? Sabi mo, you'll take care of it?"
Nagkibit balikat siya.
"Wala akong sinabi-"
Ibinaba ko ang kutsara. "WALA?!" Sigaw ko.
"Alam mo kasi, kausapin mo na nga. Para magkaayos na kayo. Hindi naman 'yon galit-"
"Pa'no mo alam?!"
He's suspicious! Kinakampihan niya 'yung lalaking 'yon? Alam niya naman kung gaano ako katakot na magkita kami ulit pero gusto niyang kausapin ko 'yun?!
"Ced! You don't know if he will do something to me-"
"Ten. Hindi 'yon pupunta dito sa ganyan kababaw na dahilan. Kung wala 'yon gusto sa 'yo, hindi na yun mag-aabala. Just try it!"
I scoffed. "Ah! You think he likes me? Hindi mo alam kung anong tingin ang ibinigay niya sa akin nung nakita niyang may lawit ako!"
Humalakhak siya.
"Napakaganda mo pero pasmado bibig mo 'no?"
Tumawa rin ako. "Totoo nga!"
"Gago! Iba ka na ngayon!" Nabulunan siya kakatawa.
Hayop 'to. Parang gusto pa akong ireto sa taong 'yon! Eh parang kailan lang, siya pa ang may ayaw na magkita kami?
"Who knows? You're a woman now! Nakita mo ba katawan niya? Kayang-kaya ka non buhatin sa payat mong yan. Ayaw mo bang maranasan ang highway to heaven? Magpalakas para kapag nag-ano kayo-"
Naibuga ko ang tubig sa mukha niya. "What the fuck, Ced Mavrick!?"
Offended niya akong tinignan na parang hindi niya kasalanan!
Anong sinasabi nito? Binebenta niya na ba ako? What does he mean by that?! His mind fucking corrupted!
Tawa siya ng tawa at hanggang sa paalis na siya ay inaasar pa rin ako. Pagtapos ko kumain ay hindi pa rin maganda ang pakiramdam ko kaya natulog ako ulit.
BINABASA MO ANG
Indak | 𝘑𝘰𝘩𝘯𝘵𝘦𝘯
Hayran Kurgu"To dance in time with the music..." √ Finished - January 18, 2022 √ Written in English and Tagalog √ Edited version • • • NOTE: The book is purely created in the author's mind. Some places in the book were real but most of it is not. This is not a...