13: Rule

48 4 0
                                    

JOHNNY's POV

"For two, please." Sabi ko sa kabilang linya.

"Yeah, thank you."

Ibinaba ko ang cellphone. I just book a day tour. Hindi pwede ang water activities kay Kitty dahil mayroon raw siyang dalaw.

Natuwa ako sa naisip.

Paggising ko kanina ay sobrang sakit ng ulo ko. I had so much alcohol last night.

I blacked out.

But thanks to Kitty... I had some soup for my lunch. Nauna na siya nagising dahil maga-alas dose na nang magising ako.

Narinig ko ang hakbang niya pababa ng hagdan.

Kakatapos ko lang maligo at nag-aayos lang ako ng gamit. Ngumiti ako nang masilayan siya.

She's wearing an oversized white long sleeves polo and shorts.

Fuck!

How can she look like that?

Ang itim na itim at mahaba niyang buhok ay sumasayaw sa bawat hakbang niya. Napansin ko rin ang bitbit niyang straw hat at camera.

Damn, lovely...

"Are you done?" tanong niya sa maliit na boses.

Tinitigan ko siya.

Siguro'y mukha na akong asong ulol dito.

"Yup! We'll visit the lighthouse. Are you okay with that?" I ask her. Just to make sure.

Tumango siya at kita ko ang matamis niyang ngiti.

Damn.

She's so pretty.

The smile in her eyes is enough to take me down.

Johnny, you're a coward.

Bakit pinaabot mo sa ganito? Alam mo namang hindi mo yan makukuha. Naghahanap ka lang ng sakit. Sakit sa ulo at sa puso.

Iniwas ko ang isipan sa bagay na alam kong matatapos din.

Papunta na kami ngayon sa lighthouse na halos sampung minuto lang ang layo. Ang panghapong hangin ay nilalabanan ang init.

"Do you have something in mind you want to eat? Kahit ano..." Tanong ko sa kay Kitty na abala sa pagtingin sa Camera niya.

"Wala naman... I'm fine with any dish." Sagot niya nang hindi lumilingon.

Tumango ako.

Narinig ko ang mumunti niyang tawa.

"Naalala mo ba ang nangyari kagabi?" tanong niya na nagpalito sa akin.

Umiling ako. "Why? Did I do something embarrassing?"

Nakita ko ang nagpapanggap niyang gulat na ekspresyon.

Oh hell, why are you so cute?

"For real? Oh my god. Okay, okay! Mabuti na yan..."

Kumunot ang noo ko. "What? Anong ginawa ko? Last thing that I remember, we're drinking at the shore..."

Humagikgik siya. "Hmmm... wala naman. 'Wag mo na isipin!"

Napahalakhak ako sa ginagawa niya.

Damn, girl!

I'll never get tired of her...

Sampung minuto lang ang layo ng lighthouse sa resort. Lalo pa't wala masyadong sasakyan, mabilis lang ang biyahe.

Indak | 𝘑𝘰𝘩𝘯𝘵𝘦𝘯Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon