TEN's POV
I look at the mirror to check if everything's alright. Kinakabahan ako at hindi na mapakali. I check my phone to see if Johnny already texted me pero wala pa rin hanggang ngayon.
Baka papunta na rito?
Naputol ang pag-iisip ko ng tawag niya.
"Hello?"
"I'm outside." Panimula niya.
Niligpit ko agad ang gamit ko at kinuha na ang bag na dadalhin. My hand bag is small but my phone and perfume can fit on it.
I was wearing a square neck mini dress. The puff long sleeves and my knee boots covers my tattoos. Nakalugay lang ang itim at mahaba kong buhok. I changed it yesterday dahil gusto kong maging presentable sa harap ng pamilya ni Johnny. I just put on the silver earrings, necklace and the bracelet Johnny gave me years ago. Tinago ko iyon at dinala ko rito. Bumagay naman iyon at simple pero elegante tignan.
Nakalabas na ako ng gate at natanaw ko si Johnny na nakasandal sa sasakyan niya. My mouth almost drop because he's so fine...
"Damn, you're handsome!"
Lumapit ako sa kanya at niyakap siya. He kissed my forehead and we smiled at each other. I inhaled that addicting musk perfume.
"You are absolutely stunning." He eyed me from eye to toe so I turn around and flex my outfit.
Humalakhak kami.
"Wait up..." Putol niya.
Napansin ko agad ang bago niyang sasakyan. It wasn't the wrangler that he always carry before. I read the small sticker on the door and it says it was a Lucid Air!
Oh!
Binuksan niya ang pinto at bumungad ang itim at malawak na mga upuan. Light blue ang kulay ng exterior at tinted ang salamin. Why is he so hot? Boyfriend ko talaga 'to?
Hinawakan ko iyon at namangha.
"Damn... this is so fucking beautiful!" I can't help but swear.
"More better when you're inside." He chuckled.
Inilabas niya ang isang box at iniabot iyon sa akin. Napangiti agad ako. He will spoil me again! I laughed.
I opened the box.
I saw a crystal hair comb and my eyes shines. Mukhang antique iyon pero kumikinang pa rin ang mga perlas at mukhang totoo ang diamante. Hindi yon gaanong kalaki at sakto lang siguro sa akin.
Uminit ang pisngi ko dahil sa regalo niya.
"I'll help you put it." Aniya.
Tumango na lang ako dahil wala pa akong masabi. Is he this rich? Hindi ko alam pero... kinakabahan na ako dahil ipapakilala niya ako mamaya. What if his parents won't like me? What if...
"Kinakabahan ka pa? I told you, they're kind."
I chuckled it off. "Of course, I'm nervous! Sobra!"
"Talikod ka."
Sinunod ko siya at naramdaman ko ang daliri niya na inaayos ang buhok ko. Nakuryente ako at natawa. Nakakatuwa dahil siya mismo ang nag-aayos ng buhok ko.
"Kaya today?" Halakhak ko.
"Teka..."
Kinapa ko iyon at maayos naman ang pagkakalagay. Magaan rin sa ulo.
"Okay, done! Can I see?"
Humarap ako sa kanya. "Bagay ba?"
Hindi siya agad nagsalita ang tinitigan ako saglit. His smile changes. He flash a unique smile. I can see that he's genuinely happy and satisfied. It almost break my heart.
BINABASA MO ANG
Indak | 𝘑𝘰𝘩𝘯𝘵𝘦𝘯
Fanfic"To dance in time with the music..." √ Finished - January 18, 2022 √ Written in English and Tagalog √ Edited version • • • NOTE: The book is purely created in the author's mind. Some places in the book were real but most of it is not. This is not a...