JOHNNY's POV
"My son!"
Niyakap ko siya nang makalapit sa table. I looked at my other relatives na nag-eenjoy sa pool. Pinilit ko lang pumunta dito sa Mansion ngayong Friday dahil tinadtad ako ng tawag ni Mama. Ilang beses na rin ako hindi nakakarating sa mga salo-salo kaya pinagbigyan ko na.
"Sorry. I was busy, Mom."
Tumango siya at nag-usap kami saglit bago umakyat sa kwarto para ilagay ang mga gamit ko. Maaga akong pumunta dahil hindi ako pwedeng magtagal. Halos isang linggo na lang bago matapos ang kontrata ko kay Kitty.
Napaisip ako sa lahat ng mga ginawa namin. Out of town, movie dates, dinner and all.
Kulang na kulang.
Gusto ko suntukin ang sarili ko para magising na ako sa kahibangan ko. Hindi naman sobrang boring ng buhay ko pero... shit lang.
I planned on buying her some clothes. I've always seen her wearing shirts and dresses with long sleeves. She looks gorgeous but... I wanna see her in a dress. Damn. Mamaya ay pupunta kami sa Party pero hindi ko sinabi sa kanya iyon. So that she will wear whatever I bought.
Damn... man has a brilliant mind.
Ang long table sa garden ay parang reception ng isang kasal. I heard my Tita's laughs nang makalapit ako.
"He's a long way to go! My son has it all. He's also kind! I'll leave everything to him. I trust his decisions..." Narinig kong sabi ni ni Mom pagkalapit ko.
Hindi ko sigurado kung anong topic nila pero paniguradong ako iyon dahil wala naman akong kapatid. Naupo ako sa tapat ni Tita.
"John, do you want me to introduce you to someone? Or you already have... you know?"
Ngumiti ako kay Tita An. Ngayon ay alam ko na kung anong pinag-uusapan nila.
"No thanks, Tita..."
Nakita ko ang 'pag bilog ng bibig nila at pang-aasar sa akin. Nagsimula na kami kumain at kinulit nila ako kung sino daw ang girlfriend ko o kung meron ba talaga. My family was kind, even my relatives. I kind of missed this get-together too.
"By the way, I think you're Mom hasn't told you yet, John. I'm sorry for the sudden invitation. We planned a celebration for our 40th year anniversary, Johnny. Are you free next weekend?" Tita An said.
Nginitian ko siya.
"Sure, Tita! Congrats po sa inyo!"
After lunch ay umalis na rin agad ako. Nang matapos ako mamili sa mall ay dumiretso na ako sa Parking ng Condo ko dahil doon daw si Kitty magp-park. Inayos ko ang mga paper bag na ibibigay ko sa kanya. Hindi ko alam kung ilang beses ko na rin sinabi 'to pero nahihibang na talaga ako.
I laugh at the back of my mind.
Well, damn. Ginusto mo 'yan.
It's four-thirty already. It-text ko na sana siya pero natanaw ko siyang bumababa sa isang sasakyan. Hindi ayon ang karaniwang sasakyang dinadala niya. At hindi rin ayon ang sasakyan ng manager niya.
Ngumiti ako at lalabas na dapat pero natigilan ko ang sarili ko nang sumunod bumaba ang isang matangkad na lalaki sa puting Subaru. Sumandal ang lalaki sa bumper. Hindi ko masyadong makita ang mukha niya dahil nakatalikod sa akin.
I don't want to jump into conclusions. Pinanuod ko sila. Lumingon lingon si Kitty pero hindi niya nakikita ang sasakyan ko dahil nasa may dulo ako naka park at medyo madilim dito.
Kumunot ang noo ko nang hinampas ni Kitty ang lalaki sa braso at sinalo ng lalaki ang kamay niya. Akala ko ba bawal sa kontrata ang may ibang ineentertain? Who the hell is that?
BINABASA MO ANG
Indak | 𝘑𝘰𝘩𝘯𝘵𝘦𝘯
Fanfic"To dance in time with the music..." √ Finished - January 18, 2022 √ Written in English and Tagalog √ Edited version • • • NOTE: The book is purely created in the author's mind. Some places in the book were real but most of it is not. This is not a...