JOHNNY's POV
Patay ang ilaw pero kita ko ang pagpupunas niya ng luha.
"Mapanakit ka!" Utas niya.
Humalakhak ako at niyakap ang unan.
"Their acting was too good! Don't blame me..." Bawi ko.
"Kaya pala Sagada." Humagikgik siya.
Lumalalim ang scene ng dalawang bida hanggang sa nasa loob na sila ng bungalow. Tumawa si Kitty.
"Kaya mo paborito kasi ganyan ang scene!"
Sumandal ako sa sofa at tumawa.
Dalawang oras ang pelikula at nasa kalahati pa lang kami. Ngayon ay nakahiga na si Kitty pero ang ulo niya'y nasa baba banda. Kaya naman iniwas ko ang tingin dahil nakikita ako ang mga hita niya kahit na medyo madilim.
Nasa tabi niya lang ang kumot. Hindi ko alam kung nananadya siya o ano.
Johnny, calm down.
The girl was trying to have fun.
Maya-maya ay pinapause niya iyon dahil magc-cr raw siya. Nagpunta naman ako sa labas para magrefill ng tubig sa pitcher. Pagbalik ko ay saktong lumabas siya at hawak ang hinubad na jacket. Halos maibuga ko ang tubig na iniinom nang makita na naka sleeveless dress at medyas na mahaba lang siya.
Great!
But baby, you need to wear that!
"Aren't you cold?" Tanong ko habang kunot ang noo.
"Huh?"
Bumaling siya sa akin habang nakaupo sa gilid ng kama. Ngayon ay kitang-kita ko ang buong hitsura niya na anghel na sa paningin ko. Nag-iwas ako ng tingin at tumikhim.
"Play ko na ulit." sabi ko.
Bumalik siya sa pwesto niyang pagkakahiga.
"Naiinitan ka ba? Lakasan ko 'yung aircon."
Ako kasi naiinitan sa ginagawa mo. Binaling niya ang tingin sa akin.
"Hindi naman. Sakto lang."
Umiiyak si Kitty habang nanunuod. Kumuha ako ng tissue at iniabot iyon sa kanya. Wala siyang tigil sa pagsermon sa akin. Masyado ko raw ginalingan.
Halos wala na akong pake sa pinapanuod dahil busy ako sa pagsipat sa kanya. Kita kong niyayakap niya na ang mga braso niya. Umupo ako sa gilid niya at kinumutan ko siya. Bahagya siyang nagulat at napalingon. Kasabay non ay ang pag-ungol ng nasa screen.
Nakita ko kung paano nagbago ang ekspresyon niya mula gulat hanggang sa tila ba maamong pusa. Napalitan ng kakaibang tingin. Parang nakita ko na iyon.
"Bakit ang ganda mo?" Biro ko sa kanya.
She tried to laugh but her bitter smile showed. Niyakap niya ang kumot at ibinalik ang tingin sa screen. Umurong siya at tinapik ang tabi.
"Dito ka na. Mukhang hindi ka komportable doon sa sofa."
Umismid ako.
"I think that's not a good idea."
Lumingot ulit siya. She bit her lower lip.
"Bakit?"
I shrug my head but didn't leave the bed.
Nagpumilit siya at makikipagpalit pa sana ng pwesto kaya sumunod na lang ako. Ginaya ko ang ayos niya at halos sakupin ko ang buong kama sa laki ko nang tumabi ako sa kanya.
Lumalalim ang bawat scene sa Sagada Nilagyan ng bida ng tali sa kamay ang babae na parang posas.
Kita ko ang pagngiwi ni Kitty.
BINABASA MO ANG
Indak | 𝘑𝘰𝘩𝘯𝘵𝘦𝘯
Fanfiction"To dance in time with the music..." √ Finished - January 18, 2022 √ Written in English and Tagalog √ Edited version • • • NOTE: The book is purely created in the author's mind. Some places in the book were real but most of it is not. This is not a...