18: Close friend

33 4 0
                                    

TEN's POV

Nagtataka ako sa sinabi ni Johnny noon na marami raw siyang event pero isa pa lang naman ang napupuntahan namin.

Pagkatapos noong araw na nagpunta kami sa kanila ay naging busy ulit siya. Mabuti naman 'yon dahil hindi ko alam kung paano siya haharapin. Like, pagkatapos noong ginawa ko sa kanya... parang gusto ko na lang siyang i-ghost!

Natapos ang pelikula na hindi pa rin siya lumalabas sa banyo. He was extra clingy on the way home. Inabot kami ng umaga dahil sa halikan namin sa sasakyan niya na hindi matapos tapos. Gusto kong suntukin ang sarili ko dahil hindi ko tinatangging nagustuhan ko rin naman iyon.

Saan ba nanggagaling ang kalandian ko na ito? Bakit nagiging marupok ako?!

I guess I'm just lonely...

Naka received ako ng tawag mula kay Sir B. Naurong ang schedule at napaaga ang premiere ng aming play.

Halos ilang buwan na nila iyon pina-practice. Kaunti lang naman ang scenes ko kaya't hindi ako naging abala. Pinupuri pa nga ako ng mga kasamahan ko doon kahit ang mga beterano. May iba pang nag-aya sa akin na maging regular doon.

Nasa Venice Mall kami ni Win. We just finished our practiced. Although he has one of the major roles, he wanted to hang out before the show na dalawang linggo na lang mula ngayon.

Excited ako at inaya ko pa si Ced at Tita na manuod. Mabuti at nakauwi na si Ced dahil may magbabantay rin naman daw doon sa kaibigan niya. Namiss ko tuloy bigla si baby!

Baby?

Wait- I don't know his name?

Oh my God.

Bakit ngayon ko lang naisip?

Nakarating kami sa Bugsy's. Sabi niya'y gusto niya raw uminom. Napansin kong medyo matamlay siya ngayon at nakakunot pa ang noo.

"Beer?" Tanong niya.

Tumango ako at umupo sa may labas lang sa left side sa pinaka dulo. Malamig ang simoy ng hangin at sakto dito dahil medyo puno na sa loob. Ang square table ay tama lang rin sa aming dalawa.

Hindi ko na hinubad ang bucket hat ko pero tinanggal ni Win ang benie niyang suot. Naka hoody kami parehas.

Umorder siya ng drinks niyang tequila. Natuwa ako sa starters na may crispy pata pa. Tamang-tama dahil kaninang ala-una pa ang kain ko at maga-alas singko na ngayon.

"Lapit na ng play! Medyo kinakabahan pa din ako..." Sabi ko.

Nilagok niya ang isang baso ng tequila bago kumuha ng pulutan. Ngumiti siya.

"Oo nga e. Mukhang professional ka na nga! Hindi halatang kabado ka. Ako nga kahit medyo matagal na doon, ninenerbiyos at nagkakamali pa rin ako." Aniya.

Tumawa ako.

"Tangina, sana hindi ako mablangko! Iba pa rin talaga kasi maraming manunuod ng live!" Reklamo ko naman.

Nagtawanan kami. Medyo nag-iba ang mood niya at napansin kong medyo tinatamaan na siya pagkalipas ng halos kahalating oras. Napansin kong ilang beses na nagr-ring ang phone niya pero dine-decline niya lang iyon.

"Hindi mo ba sasagutin 'yan? Kanina pa natawag." Utas ko.

Umikot ang mga mata niya at papatayin na sana iyon pero bigla niyang nasagot. Hindi niya agad napansin 'yon!

"Ayoko! Hindi naman importante. Wala lang 'yan! 'Wag mo na pansinin!" Tuloy-tuloy na sabi niya.

Nanlaki ang mga mata ko at itinuro ang cellphone niya.

Indak | 𝘑𝘰𝘩𝘯𝘵𝘦𝘯Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon