XIMENA RAE
Okay naman kausap si Khalil, 'yon nga lang eh hapon na lang kami nakakapag usap. Gising kasi siya sa gabi ako naman tulog. It's either nag do-dota siya or night out with his friends. Which is fine naman sa'kin.
Khalil: Rae ka pala?
Ximena: Yes why?
Khalil: Same. Rey naman sakin.
Ximena: Gaya gaya ka.
Khalil: Luh. asa ka? Ako nauna inire eh.
"Ngiti ngiti mo diyan?" Sabi ni Ry. I just rolled my eyes at her, tinago ko na ang phone ko at inininom ang shot ko.
"Pake mo?" Inis na sagot ko sa kanya. Inirapan niya naman ako.
Andito nanaman kami sa bahay namin at umiinom. Kakatapos lang ng first training ni Ry kanina sa dance troupe nila. Wala naman kaming class bukas kaya okay lang. Kahit naman may pasok kami kinabuksan wala lang 'yon sa'min.
"Kamusta naman kausap kaibigan ko?" Tanong sa'kin ni Link.
"Okay lang. Hindi rin naman kami gano'n palagi mag usap" Sagot ko.
As much as possible ayoko ma attach kay Khalil. Pagod na'ko ma attach, tas paasahin ako tapos iiwan ako, tapos mahihirapan ako mag move on kasi nasanay na'ko na andiyan sila.
"Budots tayo Ximena!" Yaya sa'kin ni Ry at pilit ako pinapatayo.
"Ayoko nga!" Sigaw ko sa kanya habang nakapikit pa at umiling iling.
Pero dahil mapilit si Ry napatayo na rin ako at sinabayan siya sa pag sayaw.
"Minsan napapaisip ako pa'no mo natatagalan 'yang dalawang 'yan" Sabi ni Link kay Cass.
"Ex b!!!" Sigaw ni Ry ng tumunog na 'yong kanta ng ex battalion.
"Baby, sorry ha. Ang ingay nila" Napairap ako sa kalandian ni Kuya. Akala mo naman may pake sa kanya si Heart.
"Ano ka ba okay lang" Narinig kong malambing na sagot ni Heart.
"Kalimutan mo na yan sige sige maglibang, wag kang magpakahibang dapat ay itawa lang ang problema sa babae dapat 'di iniinda! hayaan mo sila ang maghabol sa'yo di' ba!" Pag kanta namin ni Ry.
"Sabi ko naman sa'yo lahat yan nagloloko!! Pagkatapos kang pakinabangan biglang lalayoooo!!"Pag kanta ko no'n agad ako napaupo at pinikit ang mga mata.
"Relate ka gorl?" Pang aasar ni Kade. Hindi ko siya pinansin, nag shot na lang uilt ako.
"Hala sige inom pa!" Sigaw ni Link.
Bigla ko nanaman naalala ang lahat. Yung kay Justin, Jace at Jonas. Ba't ba puro J sila?! Wag tayo sa J sasaktan lang nila tayo.
BINABASA MO ANG
Anchored Heart (Heart Series #3)
RomanceHEART SERIES # 3 Despite of being a good fashion student, Ximena Rae is still unsuccessful in finding love. Being heartbroken is already a norm to her. She already accepted the fact that she won't find someone who will stay with her despite her fla...