9

92 8 4
                                    

XIMENA RAE

Kagabi pa tawag ng tawag sa 'kin si Khalil, kaya pati sa phone ko blinock ko na siya. Hindi ko kaya pag sabayin ang pag iisp tungkol sa kanya at kay Heart. 


Nag away kami kagabi ni Kuya, sinisi ko siya sa ginawa niya. Malamang kahit ako tatakbo dahil sa sinabi ni Kuya. Dapat hindi niya minadali si Heart. Ang lakas ng loob niya gawin 'yun hindi pa nga niya sinasabi ang totoo. 


Hindi ako nakatulog ng maayos kagabi, kaya late na rin ako nagising at hindi nakasabay kay Kuya. Kahit naman maaga ang  gising ko hindi ako sasabay sa kanya dahil galit ako sa kanya. 


Hahabulin ko 'yung next class ko kaya nag decide na lang ako mag angkas. Hindi 'to alam ng parents ko and wala akong balak ipaalam sa kanila. I've been doing this for a long time lalo na't pag na le-late ako. 


Naka abot naman ako sa fashion trends na class ko. Kaso hindi ako makapag focus dahil ang sakit ng ulo ko at katawan ko. Sa kaka iyak ko siguro 'to kagabi. 


Pag dating ng lunch, dumiretso agad ako sa canteen. Tahimik lang akong tumabi sa kanila. Napansin kong wala si Kuya at si Ry. 


"Ayos ka lang?" Tanong sa 'kin ni Cass. I just nodded at tinignan ang pag kain ko. Sa totoo lang wala akong ganang kumain ngayon. Para akong busog na. 


Alam kong malaki ang magiging epekto sa 'kin pag nawala sa tabi ko si Heart. After all these years nakahanap ako ng tao na mapag sasabihin ko ng mga problema ko, without thinking na baka iwan niya ako or baka i judge niya ako.


I found the sister I never had. 


"Ximena... hindi mo raw kinakausap si Khalil?" Napatingin ako kay Link ng sabihin niya 'yun. 


"I... I can't handle it right now" Sagot ko sa kanya at yumuko na lang ako. Narinig ko ang pag buntong hininga ni Cass. 


Tahimik lang ako, hindi ako sumasali sa usapan nila. Ramdam ko naman ang pag tingin sa 'kin ni Lincoln.  Dumating din si Kuya, pero hindi kami nag pansinan. 


Hindi rin ako nakapag focus sa ibang class ko. Para bang gusto ko na umuwi, pero hindi pwede dahil kailangan ko pumasok, kailangan ko maging responsible. Ang hirap. 


Nag text ako kala Cass na hind ako sasama sa kanila sa training ni Ry. Gusto ko na agad umuwi. Kinuha ko ang phone ko at mag bo-book na sana ng grab pero napatigil ako ng bigla akong may naalala. 


Si Khalil. 


Never ako nag enjoy sa pag co-commute, ngayon lang. Tuwing kasama ko siya.


I just sighed at nag lakad na lang. Mas gusto ko pa mag jeep ngayon kesa mag grab. 


"Ximena" I was stunned ng marinig ko ang boses na 'yun. 


"Ximena, please" Tawag niya ulit sa 'kin. Wala naman akong nagawa kaya nilingon ko siya. 

Anchored Heart (Heart Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon