PROLOGUE

429 12 11
                                    

KHALIL REY

"Mag iingat ka doon anak ha" Bilin sakin ni Mama habang tinutulungan ako sa mga gamit ko. 


"Ikaw ang mag ingat dito My, wala ka kasama" Sabi ko sakanya. Nag buntong hininga lang siya at nginitian ako. 


Nasa barko kasi ang Daddy kaya pag umalis ako, siya na lang maiiwan dito. Though malapit naman ang bahay nila Tita dito. Pero syempre iba parin pag may kasama siya sa bahay. 


"Matanda na'ko, wag mo na'ko alalahanin" She said. Yan naman palagi ang sinasabi niya sa'kin.


"Kung pwede lang di kita iwan dito My eh, pero kailangan" I said at ngumiti ng malungkot. 


"Wag mo na nga alalahanin aba, basta wag ka muna mag aasawa!" Natawa na lang ako dahil sa sinabi ng Nanay ko. 


Girlfriend nga ngayon wala ako eh, asawa pa kaya? Atsaka mukang hindi muna ako papasok sa isang relationship. Wala naman siguro ang may gusto na mag ka boyfriend na seaman tapos LDR pa. 


Agad ako sinalubong ni Lincoln sa airport nung dumating ako sa Manila. Kababata ko siya sa Mindoro. Dito na siya nakatira at nag aaral ngayon. 


"Welcome bro! Madagdagan nanaman ang mga pogi dito!" Bungad niya sa'kin. 


"Bakit, threatened ka?" Pang aasar ko sa kanya. 


"As if bro! Artista ata 'to!" Napailing na lang ako sa kayabangan niya. 


Hinatid ako ni Link sa apartment na titirhan ko. Hindi lang ako mag isa sa apartment na 'to may kasama rin ako, kumabaga yung kwarto yung nirerent ko. Ang mahal naman kasi kung mag re-rent ako ng buong apartment ta's ako lang ang titira. 


Kakatapos lang ng third year ko as a Marine student. Sa fourth year namin wala ng class. OJT 'yon. Kailangan namin sumakay ng barko at mag OJT do'n for one year. Kaya lumuwas ako ng Manila para mag start ng training ko at asikasuhin yung papers ko. Para makasakay na agad. 


"Chill top tayo bro! Pa welcome ko sa 'yo sa adulting life!" Sabi niya sa'kin ng matapos ko na I settle ang mga gamit ko sa apartment. 


Pumayag na'ko sa gusto niya, libre daw eh. 


Nag order ng beers si Link at isang cocktail tower. Sinamahan na rin namin ng nachos at wings. Ito na rin ang dinner namin. 


"Bro pakilala kita sa mga kaibigan ko" Agad akong umiling sa sinabi ni Link. 


"Wag bro, nakakahiya mukang mayayaman pa naman mga kaibigan mo" 


"Tado, mga mababait 'yon! Yung isa nga don mas maingay pa sa 'yo" Napangisi ako dahil sa sinabi niya. 


"Sino don? Si Avery ba?" Pang aasar ko sa kanya, agad naman siyang napangiti ng sabi ko 'yon. 

Anchored Heart (Heart Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon