XIMENA RAE
Akala ko maiilang ako once na niligawan ako ni Khalil, pero kabaligtaran ang nangyari, mas naging comfortable kami sa isa't isa.
It's like having a suitor and a bestfriend at the same time.
As usual, hinatid nanaman niya ako. And nakasanayan na rin namin na do'n siya tumatambay hanggang gabi. Medyo naging close na siya kay Mommy. Kay Daddy naman medyo takot pa siya.
Nag lalakad kami ngayon ni Khalil papunta sa bahay namin.
"Uy, bakit may problema ba?" Nag aalalang tanong ko sa kanya. He's kinda different now. Parang ang sad niya, ta's parang wala siya sa mood makipag kulitan sa 'kin.
Tinignan niya ako ng matagal at bumuntong hininga siya "Mukang hindi pa ako makakasay. Wala pa rin tawag eh" Napatigil ako sa pag lalakad ng marinig ko 'yun.
I know how important to him na makasakay na siya. Para maka help na siya sa parents niya and makapag ipon na siya agad for his future. He doesn't have a plan to stay long as a seaman. Mag iipon lang siya para makapagpa tayo siya ng business.
"Are you sure? Baka naman na delay lang ng konti"
He shakes his head "Sigurado. Sinabihan na rin ako ni Daddy na baka nga matagalan pa" I can see a disappointment in his voice. Paniguradong wala 'to sa plan niya.
"Okay lang 'yan, malay mo naman diba matawagan ka na rin. Hindi naman tayo sure, basta 'yung name mo nasa kanila na" I tried to comfort him.
Ngumisi naman siya "Siguro tuwang tuwa ka no" Agad ko siyang tinignan ng masama dahil sa sinabi niya.
"Joke lang madam!" Ngumiti na rin siya at ginulo ang buhok ko. Agad ko naman 'yun inayos kasi ang panget ko mag messy ang hair ko.
"Yun nga lang madam, pinapauwi ako ni Mommy sa 'min, sayang kasi ang allowance" He said. I felt kinda sad when he said that. Pero naiintidihan ko naman. It is not something that we can control.
"Baka may opening sa inyo madam" He joked.
"Tarantado"
"Wag ka na mag isip diyan, gagawan ko ng paraan" Napa kunot ang noo ko sa sinabi niya.
"Paraan?"
"Wag ka na mag isip, baka ika panget mo" Iniripan ko siya at inunahan na siyang maglakad.
"Hoy! Madam! Joke lang eh! Ganda mo kaya!" Sigaw niya sa 'kin habang hinahabol ako. Ako naman parang tangang naka ngiti.
Pag dating namin sa bahay, nag ayos muna ako saka siya binalikan sa living room namin. Mamaya pa 'to uuwi, pinaka late na niyang uwi ay mga 10 PM.
"Bobo mo naman" Pang aasar ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
Anchored Heart (Heart Series #3)
RomanceHEART SERIES # 3 Despite of being a good fashion student, Ximena Rae is still unsuccessful in finding love. Being heartbroken is already a norm to her. She already accepted the fact that she won't find someone who will stay with her despite her fla...