TRIGGER WARNING
XIMENA RAE
Kinulong ko ang sarili ko sa kwarto sa mga natitirang vacation ko. I also wasn't able to attend the first week of classes.
I can't. Ang hirap.
Ever since nawala si Heart, madami ng nag bago. Nang makabalik ako sa class, nanibago talaga ako. Walang Heart na sasalubong sa 'kin sa umaga na nakangiti.
Our group became quiet, we don't know how to act. Feeling namin hindi namin deserve ang buhay namin dahil sa ginawa namin kay Heart. Si Cass na nga lang ata ang nag glu-glue sa 'min.
Hindi rin kami okay ni Kuya ngayon, we never spoke again after what happened. Aware naman sila Mommy sa nangyari, and they never forced us na magka bati. Nalungkot din sila sa nangyari, napamahal na sa kanila si Heart.
Palagi rin wala si Kuya sa bahay, he's busy sa pag hahanap kay Heart. Hindi rin siya umuuwi sa bahay, mas gusto niya sa condo niya kung sa'n sila tumira ni Heart.
"Good morning, love" I greeted Khalil. Inaantok pa ako pero maaga ako nagising para maabutan siya sa vid call.
Minsan lang kasi siya may signal kaya sinusulit lang namin. It's okay naman, small sacrifices lang naman 'to. Hindi na rin ako masyado nag sasabi kay Khalil sa mga nararamdaman ko.
Ayokong mahawa siya sa 'kin. Atleast ako may masasandalan dito, siya mag isa lang do'n.
[Good morning] He simply replied.
"Gawa mo?"
[Eto tamang fb lang] Bakit parang wala siyang gana?
"Okay ka lang? May nagawa ba akong mali? Galit ka ba?" Natatarantang tanong ko. Napakamos siya sa muka.
[Ximena... pagod lang ako okay, hindi ako galit]
"O-kay sige pahinga ka na. Good night"
He just nodded [Sige good night. I love you] I just ended the call. Hindi ko feel mag i love you too sa kanya.
Baka nga pagod lang siya, maghapon siya nag work, kakatapos lang niya at 10 pm na ro'n. I just shrugged my thoughts at bumangon na para makapag handa sa school.
On repeat lang buhay ko ngayon. School, bahay, therapy etc. Medyo bumabalik na rin ang sigla ng mga kaibigan ko. Except of course kay Kuya. Hindi parin kami nag uusap gaano.
"Do you have any questions pa or concerns?" My therapist asked me before ending our session.
"Actually po, I have" I said. "I think I have anger issues po, like hindi ko po siya ma control. Ang dali ko po lagi magalit. I don't po, basta I can't explain"
BINABASA MO ANG
Anchored Heart (Heart Series #3)
RomanceHEART SERIES # 3 Despite of being a good fashion student, Ximena Rae is still unsuccessful in finding love. Being heartbroken is already a norm to her. She already accepted the fact that she won't find someone who will stay with her despite her fla...