19

80 7 0
                                    

TRIGGER WARNING

XIMENA RAE

Me and Khalil are just hanging out in the kitchen after our dinner with my family. I'm using his phone, while he's using mine. He got a new phone kaya I'm exploring it. 


I don't why pero napa punta ako sa viber app. I don't usually go to these apps.


I was stunned ng makita ko ang pangalan ni Kate.


"Ano 'yan?" Biglang tanong sa 'kin ni Khali. Hindi ko siya pinansin, Nanginginig akong pinindot ang name ni Kate. Before I can see the conversation inagaw na agad sa 'kin ni Khalil ang phone niya.


"Bakit ayaw mo pakita sa 'kin?"


"Wa-la ka na-man makikita dito" He said. Hindi ko siya pinansin, inagaw ko ulit ang phone niya at agad kong binasa ang convo nila.


Kate: 3rd floor ako, unit 36

Khalil: Dito nako sa labas

Kate: Sayang, bat hindi ka pumasok. Umalis ka agad.

Khalil: Pasensya na busy kasi ako eh


I checked the dates. It's the same day na sinabi niya sa 'kin na nag pa laundry lang siya.


Tears started to flow on my cheeks.


"Xi-mena"


"Ho-w can you do this to me?" Naiiyak kong sabi sa kanya. I can feel my heart being broken again. 



"Xi, le-t me explain" Hahawakan niya sana ang kamay ko pero agad kong iniwas. 


Hindi ako makahinga, hindi ko siya kayang tignan ngayon. Kaya tumakbo ako palabas ng garden. Gusto ko umiyak ng malakas, pero hindi ko kaya. Hindi pwede. 


"Ximena.." Tawag niya sa 'kin. 


I know it's not a big deal. Pero iba pa rin 'yong sakit sa 'kin. 


"Why did you lie? Bakit hindi mo sa 'kin sina-bi?" I tried calming myself para hindi siya sigawan. Ayoko rin marinig kami ng pamilya ko. 


"Kasi.. alam kong magagalit ka.. alam kong hindi ka papayag" I scoffed in disbelief. 


"That's your bullshit explanation? That's why you lied to me?" 


Napahawak ako sa sentido ko "You can tell me naman eh!" 


"Pero.. alam kong magagalit ka. May pinadala lang kasi 'yong kaibigan namin galing states para sa kanya at sa 'kin pinasuyo kasi ako ang andito." 


"So 'yon ang solusyon mo? Ang mag sinungaling sa 'kin?" I hate liars. Mas lalo ako nag o-overthink. 


"Hindi ka kasi papayag..." I deeply sighed. 


Anchored Heart (Heart Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon