XIMENA RAE
Hindi nag sink in sa 'kin ang gusto mangyari ni Khalil.
Sino ba naman hindi? We've been perfectly fine for 6 years then suddenly he wants to break up with me??
Or is it all been a lie.
Hindi ako pumayag. I told him na aayusin namin. Willing ako.
"Di ba sabi mo, mag aaway tayo pero hindi tayo mag bre-break? Love naman" Naiiyak kong sabi sa kanya. Ang hirap pag sa call lang kami mag kausap.
[Pero Ximena...]
Ximena. He called me on my first name. Hindi niya ako tinatawag na Madam or Love. Iba na ba talaga? Wala na ba talaga?
[Hindi Ximena... hindi mo 'to deserve. Ayoko naman na nasa isang relasyon tayo pero hindi ko maibigay ang deserve mo]
"Bakit ano ba ang deserve ko? Akin lang naman basta maiparamdam mo na mahal mo ako okay na ako eh.
He's not answering. Tahimik lang.
Hindi ko napigilang umiyak.
"Bakit ka ganyan? Ang sa-kit sa-kit. Bakit Khalil" Naiiyak kong tanong sa kanya. Pa ulit ulit ko sa kanya tinatanong 'yon dahil hindi ko maintindihan.
"May... may.. may i-ba ba?" Nanginginig kong tanong sa kanya.
[Wala Ximena... wala. Wala kang kasalanan.]
"Kung wala bakit ayaw mo na? Ano ba nangyari? Ba-kit biglang nag bago isip mo?"
[Ximena...]
"Sabihin mo na kasi!" Hindi ko napigilang napasigaw.
[Hindi na kita nakikita sa future]
I can't describe well enough kung ga'no ka sakit ang narinig ko. All I know is my heart can't take this pain anymore.
"Ke-lan pa?"
[Bago ako bumaba ng barko] Napasinghap ako. Matagal na pala? Matagal na pala siyang nag papanggap?
But I can't find myself to be mad. Dapat sumisigaw na 'ko, sinusumbatan siya, pero 'di ko magawa. So this is love pala. This is what is like.
Gusto ko siya bigyan ng benefit of the doubt. Baka he's overthinking lang din. Katulad ko.
"Pa-no mo naisip 'yon? May nagawa ba ako? May mali ba? Sabihin mo sa 'kin Khalil. We can fix this."
Silence. All I can hear is his breathing.
I muted mine, para hindi niya marinig pag hikbi ko.
Hindi ko na siya pinilit that night. Baka lalo lang siya mawalan ng gana sa 'kin. We're still talking, na para bang walang nag bago. Ang sabi naman niya is mag uusap ulit kami ng matino once na hindi na siya busy sa Mindoro.
Wala sana akong balak sabihin about our break up. Kaso nalaman din agad nila Mommy. Dahil lagi nila akong nahuhuli umiyak. I'm confident na mag kakabalikan kami kaya hindi ko na sana sasabihin.
I've been thinking, ano ba ang nagawa ko kaya bigla niyang naisip 'yon? Dahil ba wala akong stable job? Maybe 'yon.
I know he's been supportive on my freelancing. Pero alam ko mas gusto niya ang stable job. Kaya I decided na maghanap ulit ng job.
BINABASA MO ANG
Anchored Heart (Heart Series #3)
RomanceHEART SERIES # 3 Despite of being a good fashion student, Ximena Rae is still unsuccessful in finding love. Being heartbroken is already a norm to her. She already accepted the fact that she won't find someone who will stay with her despite her fla...