25

118 5 2
                                    

XIMENA RAE

It's official. I'm single. 


Hindi madaling tanggapin, but I don't have any choice. Hindi naman pwede na forever ako mag mumukmok sa kwarto ko. 


Also, I'm already considering going to Paris. Tutal, nawala na 'yong isa sa mga dahilan kung bakit ayoko tumuloy do'n. Masyado ko ng pinostpone ang dreams ko for him. 


Habang hindi pa ako umaalis, my friends kept me busy. They knew I needed a distraction. 


I started joining tinder and bumble again. Wala lang. I'm single na eh. May mga nag cha-chat din sa 'kin ever since Ry announced on social media na single na ulit ako. 


Nag focus na rin ako sa sarili ko, bumalik na 'ko sa pag aaayos, sa pag shopping at sa pag labas. Araw araw ata ako nasa labas. I'm the kaladkarin friend na. 


2PM na 'ko nagising ngayon, usually yayayain ko si Ry or Heart mag shopping. Kaso may mga ginagawa naman sila. Their  busy with their own lives. Their own family. 


I sighed. Wala ako choice, I asked sila Link kung free ba sila today. Kaso mga busy din. Ang hirap naman. Natulog na lang ulit ako. Kesa mag isip ako ng kung ano ano. 


Nagising na lang ulit ako dahil sa katok sa pinto ko. I looked at the clock, gabi na pala.  Badtrip naman oh pa 'no ako makaka tulog nito. 


Kahit wala akong gana kumain pinilit ko ang sarili ko dahil alam kong kukulitin din naman ako nila Mommy kumain. While eating alone, nag bro-browse lang ako sa phone ko. Hindi ko alam kung ano ang naiispan ko at binuksan ang instagram ni Khalil sa phone ko. I immediately looked at his searched bar. 


Nanginig na lang ako bigla. 


Si Kate ang nasa recent search bar niya. Bigla ko na lang tinawagan si Khalil to confront him abot this. Alam ko wala na 'ko karapatan, but atleast I deserved to know the truth. 


[Ximena? Bakit?]


"Kayo na ba ni Kate?" Diretsong tanong ko sa kanya. 


[A-no? Pano mo naman nasabi 'yan? Syempre hindi!]


"Bakit siya nasa search bar mo sa instagram? Sabihin mo na lang kasi 'yong totoo!" 


[Hindi nga, Ximena. Y-ung pinsan ko naki gamit lang ng phone, siya ang nag search kay Kate] 


Napapikit na lang ako sa sinabi niya, hindi ko alam kung maniniwala ako o hindi. I just ended the call without saying anything. 


Ang hirap naman nito. How will I move on? Kung wala akong dahilan mag move on. Khalil is my first. Sobrang tagal namin mag sama, how can I open myself again to others? Pa'no kung wala ng tumanggap sa 'kin katulad ng pag tanggap sa 'kin ni Khalil? 


"Ximena, andiyan si Link sa may garden hinahanap ka" I just nodded at binaba ang magazine na binabasa ko. 

Anchored Heart (Heart Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon