7

105 11 6
                                    

XIMENA RAE

Ngayon ako bibili ng mga tela ko para sa project namin. Dapat sa Divisoria ako bibili ng mga tela ko kaso binudol ako ni Ry sabi niya marami daw sa Taytay ta's ando'n pa yung mga murang damit. 


Kaya pumayag na ako. 


Mag dadala na lang ako ng sasakyan, ta's sa may Taytay na raw kami mag kikita. At dahil nga pinilit ako ni Khalil na samahan ako, didiretso na siya dito sa bahay at sabi niya siya na raw ang mag da-drive. 


"Kuya..."Katok ko sa kwarto niya. 


Hindi siya sumasagot kaya binuksan ko na at kwarto niya at kumuha ng unan at hinampas sa kanya para magising siya. 


"Putang!- Xi! Ano ba!" Inis na sigaw ni Kuya sa 'kin. Gulo gulo pa ang buhok niya at namamaga pa ang mga mata niya. 


"Ayan, late night calls pa" Pang aasar ko sa kanya. 


"Inggit ka lang!" Sigaw niya at kinumos ang muka niya "Ano kailangan mo?" Masungit na tanong niya. 


"Pwede bang.. ipaalam mo 'ko kala Mommy? Hehe" Pag papa cute ko sa kanya. 


"Bakit hindi ikaw?" 


"Eh sige na! Please!" Sabi ko sa kanya habang niyuyugyog ang braso niya. 


"Bakit ka pa mag papa alam, eh nakakapunta ka nga sa bahay ni Jonas ng hindi namin alam" Pang aasar niya sa 'kin. 


Sinamaan ko siya ng tingin, at tumawa naman siya ng malakas. May nakakatawa ba? 


"Sagutin mo muna tanong ko, bakit kailangan mo pa mag paalam kala Mommy kung wala naman sila dito? Kilala kita para kang ibon na nakalaya pag wala sila dito" Kuya said. 


"Bakit ba gusto mong malaman?" Mataray na sagot ko. 


"Bahala ka, di ko gagawin 'yang sinasabi mo" 


"Fine" I sighed "Sabi kasi ni Khalil, mag paalam ako kala Mommy, tuwing lumalabas kami" I said those words as fast as I could. 


Bigla naman tumawa ng malakas si Kuya.


"Bakit ka tumatawa?!" Napipikon na sabi ko sa kanya. 


"Tangina, tinamaan ka!" 


"Eh ikaw?" Pang aasar ko sa kanya. Nanahimik lang siya at umiwas ng tingin. Kala niya ha! 


Nairita ata siya sa muka ko kaya pinalayas niya ako sa kwarto niya, pumunta na lang ako sa living room namin para do'n hintayin si Khalil. 


Maya maya pa ay tumawag na si Khalil na nasa labas na siya ng bahay kaya agad kong nilabas ang car ko. Nahihya kasi ako papasukin siya, baka kung ano isipin niya at baka mag sumbong 'yung iba naming kasama sa bahay. 

Anchored Heart (Heart Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon