XIMENA RAE
After ng fashion show namin, umalis na rin si Khalil para pumasok. Nakahanap lang daw siya ng kasamahan niya sa work na makipag switch ng sched kaya siya naka attend.
Buti na lang rest day niya kinabuksan kaya naka attend pa siya ng after party nila Ry. May dala kaming mga sariling cars kaya kami lang ni Khalil nag sama papunta sa bahay nila Ry.
Ando'n din ang parents namin, sila sa loob, kami naman sa labas. Alam naman nila Mommy na umiinom ako, basta mapag kakatiwalaan ko 'yung mga kasama ko.
"Kuya! Kelan ka punta kala Ate Xi? Para markapag laro tayo ng ps4!" Napairap ako sa sinabi ni Sean. Itong kapatid ni Cass lagi nang gugulo sa bahay namin pag ando'n si Khalil. Walking distance na lang kasi ang bahay nila sa 'min.
"Wag ka ngang epal" Sabi ko sa kanya kaya agad niya akong sinamaan ng tingin.
"Oh ba't ganyan ka makatingin? I'm older than you kaya!" Sita ko sa kanya.
"Parang hindi naman" Pang aasar niya pa sa 'kin. Kinurot ko na lang ng matindi ang pisnge niya para naman makatanggi ako. Pulang pula ang muka niya nung lumayas siya sa 'min.
"Ikaw talaga, bully ka talaga do'n" Khalil said.
"Ang sarap asarin ni tabachingching eh!" Natatawang sagot ko sa kanya. Napailing na lang si Khalil. Sanay na siya sa pang aasar ko sa pinsan ko.
"Next time Khalil, pag uwi ng Mommy mo dito sa Manila, isama mo siya sa mga gatherings natin ah. Miss ko na rin 'yong babaeng 'yon" Tita Sophie said. Mommy ni Lincoln.
"Ay.. sige po tita sabihan ko po si Mommy" Nahihiyang sagot ni Khalil.
Palagi namin kasama si Khalil sa mga gatherings, kahit family matter 'yon. Wala nasanay na lang din sila Mommy na lagi siyang i-invite lalo na't mag isa lang si Khalil dito sa Manila. Kaya kilala na siya ng buong family ko.
Naalala ko nung nakaraan nag post si Mommy ng group picture naming family kasama si Heart at Khalil na kumakain sa isang resto, ang daming nag react. They're asking if Khalil is my boyfriend.
Sana nga.
Nag set up sila Tita ng table sa labas para sa 'min at sa mga ka team ni Ry. We ate dinner first bago kami mag start uminom. Mukang hanggang umaga 'to, especially andiyan si kalbo.
"Oh easyhan mo lang Madam ah, baka malasing ka" Bilin sa 'kin ni Khalil.
"Hindi ako mabilis malasing no!" Depensa ko.
"Hatdog Ximena, don't us!" Sigaw ni Ry.
"Eh di don't!"
"Taena, di pa kayo lasing nag kakapikunan nanaman kayo" Kade said.
BINABASA MO ANG
Anchored Heart (Heart Series #3)
عاطفيةHEART SERIES # 3 Despite of being a good fashion student, Ximena Rae is still unsuccessful in finding love. Being heartbroken is already a norm to her. She already accepted the fact that she won't find someone who will stay with her despite her fla...