Chapter Forty-Eight: Thea
- - -
Shamie's POV
Napag-meetingan namin na yung mga songs na gagamitin for our performance. And after practicing for few hours, they said I should go home and take a rest. And also, sabi din nila, that I have to sleep for atleast 6 to 8 hours later.
Kaka-uwi ko lang galing sa practice. And now, I'm walking back and forth infront of my desk, while looking at my phone.
Naka-display sa screen ng phone ko yung message ni Thea earlier. Which made me feel super confused.
From Madam:
Don't you ever talk to me again. Stay away from me.
And aside from being confused, naiinis din ako. Naiinis ako kasi hindi ko sya maintindihan. Naiinis ako kasi hindi nya ipinaiintindi sakin.
I tried calling her again. Now seeking for an answer. And thankfully, after almost 15 tries, she finally answered the call!
"I told you! Don't talk to me! Nakakarindi na! Bakit ka ba tawag ng tawag?!" Nagulat ako sa sigaw ni Thea. I was really not expecting that. She's acting weird.
"H-Hi madam," I greeted first. She's mad, at hindi ko sasabayan yung galit nya.
"Tangina! Wag mo akong tawaging ganyan!" I was startled again when she said those words. Which made me want to cry again. Kahit kailan, hindi nya ako minura. Oo, nagmumura sya sa harap ko pero hindi ako ang tinutukoy nya.
"E-Eh, ikaw nga n-nagsabi non eh madam. D-Diba? Alala mo p-pa? M-Madam naman, may problema ka ba? Makikinig ako--" I tried hard not to cry loud. Pinilit kong wag humikbi, pinilit kong pigilan yung sakit.
"Shamie, ano ba?! Hindi mo ba ako naintindihan?! Iwasan mo na ako, wag mo na akong kakausapin, please! Leave me alone!"
"A-Ay, Hahaha! E-Eto na madam, tumatawa na ako. Hahaha! A-Ang ganda ng j-joke mo--" I tried to laugh, thinking that it might be some kind of joke.
Si madam yan eh, yan yung best friend ko. And I know her, maybe this is just some kind of prank.
And I wish it is, while I am laughing, my tears were flowing down my face. Streaming like a river. And she cut me off.
"Seryoso ako! Shamie, wag mo na akong kakausapin mula ngayon. Ito na ang magiging huli nating pag-uusap--"
"I d-don't believe you madam, I-I don't need believe you--"
"Hindi porke't palabiro akong tao, hindi na totoo yung sinasabi ko!--"
"Pero hindi rin porke't sinabi mo eh gagawin ko!" Sigaw ko pabalik sa kanya. Hindi ko na napigilan ang pagtaas ng boses ko.
"If you're mad, frustrated or whatever, then be! Sakin mo ibunton, okay lang! But don't just throw away our friendship Thea! Don't!"
