Chapter 5: Almost Caught
Ilang araw na rin ang lumipas nang matapos ang meeting namin with Sir Charles. Balik practice kami, oo kami. Hindi man ako nakaka-sayaw, kaya ko parin namang kumanta kaya sumasama parin ako sa practice.
"Nice, nice." wika ko habang pumapalakpak.
Katatapos lang kasi nilang mag-practice ng sing and dance. At ako ang ginawa nilang judger ngayon since hindi naman ako nakaka-sayaw.
"Pero may nakita ako kanina. Akala mo hindi ko napansin 'yon Zyn ah." natatawa kong sabi. "Namali ka ng step kanina sa last part. Kita ko 'yon." I playfully said.
"Pasensya. Nawala lang sa focus. Nape-pressure ako sa'yo eh." aniya.
"Hala? Bakit ka naman mape-pressure sakin?" natatawa kong tanong.
"Ikaw ba naman 'tong panoorin ng leader at main dancer ng naka poker face habang nag-peperform, hindi ka ba ma-pepressure?" sagot niya.
I chuckled. "Ano ba, ako lang 'to Zyn." ngumuso pa ako tsaka ko hinawi ang buhok ko papunta sa likod ng tenga ko.
Natawa nalang siya tsaka umiling iling.
"Sige, break muna kayo ah."
Pinag-pahinga ko muna sila at ako naman ngayon ang gagamit sa computer. Sa computer kasi kami nag-papatugtog ng mga songs na pina-practice namin.
I just found myself searching for SB19's YouTube channel. Nanood nalang ako ng random videos nila specially, vlogs. And I was just looking at one person while smiling so widely.
Natatawa din ako ng mahina tuwing natatawa sila, nag-rereact din ako ng appropriate reaction sa mga ginagawa nila.
But he's really cute though! Lalo na yung playful personality niya at jolly side. Ang cute tignan.
"Ngiting ngiti ata tayo pare ah?" rinig kong sabi ni Lei.
Mahina nalang akong natawa, tutok parin ang paningin ko sa screen habang pinapanood yung limbo and hammer game nila. This was years ago but it's still iconic.
I chuckled. "Ang cute niya tumawa." I said.
"Sino? Sa Pablo?" Lei asked.
Umiling ako.
"Ha? Eh sino?" taka niyang tanong.
"Si Stell! Tignan mo oh, ang cute niya 'di ba?" naka-ngiti kong tanong sa kaniya.
Kumunot naman ang noo niya dahil sa sinabi ko. Ewan ko sa kaniya, basta ang cute ni Stell. Kung ayaw niya maniwala, edi wag.
"'Di ba dapat si Pablo ang tinitignan mo at yung nacu-cutan mo?" tanong niya.
"Eh sa si Stell nga yung nacu-cutan ko eh." sagot ko.
"Sus, ewan ko sa'yo."
Ewan ko rin sa'yo. Mata ko 'to. Macu-cutan niya ang gusto niyang ma-cutan.
I just sighed while smiling. "Ahh, ang cute niya talaga."
Naramdaman ko ang pag-alis ni Lei sa tabi ko. "Tignan mo si Ashley, si Stell yung trip." rinig kong sabi niya.
"Baka pinag-lilihian niya si Stell." rinig ko namang sbai ni Ylene.
"Nice choice." Nalhi said.
Nice choice talaga. Ang cute cute talaga ni Stell eh. Ang sarap ibulsa! Pwede ko kayang hawakan yung panga niya? Ang cute din nung nunal niya malapit sa sentido niya. Hay, everything about him looks so cute in my eyes.
BINABASA MO ANG
Precious Secret • SB19 Pablo [COMPLETED]
FanfictionBeing in an idol group and having a celebration party with the most famous talent entertainment agency is a must. But what if you woke up, lying on the bed with your senior, both undressed. WARNING! This story contains mature scenes. Read at your ow...