'I'm the first to say that I'm not perfect.
And you're the first to say you want the best thing.' - Here's Your Perfect(Jamie Miller)Chapter 34: Best Thing
I got disappointed when Paulo left earlier without saying his proper goodbye to me. Akala ko pagbibigyan niya si Ashi, pero hindi parin pala.
We haven't talked for a while. And it's suffocating me. Magkasama nga kami sa iisang bahay, pero pakiramdam ko wala parin siya sa tabi ko.
I wanted to take an afternoon nap because I feel so sleepy even though I didn't do anything at all. Tinatamad ako ngayong araw kaya kahit na nakakahiya kay Ate Leni ay siya na ang gumawa ng lahat sa gawaing bahay. Idagdag pa yung medyo nahihilo ako.
Pinatulog ko muna si Ashi tsaka ako dumiretso sa kwarto namin ni Paulo. I opened the aircon then fixed myself. But my stomach grumbled when I sniffed the smell of the aircon. It went through my nose down to my throat, and it felt like it reached my stomach.
I immediately went to the bathroom then threw up. Mahigpit akong nakahawak sa gilid ng sink habang sumusuka. The smell of the aircon is still lingering on my nose. What a bad smell it has. Ang sakit sa ulo.
Hinugasan ko ang bibig ko tsaka ako nag-mumog. Napatingin ako sa repleksyon ko sa salamin. My eyes went to my stomach as well as my hand.
There's only one thing I have in mind right now. Is it?
But I've been taking pills. Ni-minsan hindi ko nakalimutang uminom. Nga ba?
I sighed then ran my fingers on my hair. I'm not sure about this. Kailangan ko munang makasiguro. Buntis man ako o hindi, masama parin sa akin yung mga nangyayari this days.
I'm so stressed and I'm always crying. Nagawa ko pang uminom noong nakaraang araw. It's bad for the baby. What if something happened?
Bumuga ulit ako ng marahas na hangin tsaka ako lumabas sa banyo. Saktong pag-sara ko ng pinto ng banyo ay ang pag-sara din ng pinto ng kwarto. Nag-angat ako ng tingin at nagkasalubong ang tingin namin ni Paulo.
My lips parted and I immediately felt worried when I saw a bruise on his face. May pasa siya sa pisngi at may dugo rin ang gilid ng labi niya. It's like... like someone punched him in the face.
Iniwas niya ang tingin niya sa'kin tsaka siya pabagsak na naupo sa gilid ng kama. Nilapitan ko naman agad siya tsaka ko maingat na hinawakan ang muka niya.
"Pau... Anong nangyari sa'yo?" alala kong tanong.
Hinawi niya ang kamay ko. "Wag mong hawakan. Wala 'yan." he took a glance at me before leaning on the headboard. His eyes were so cold as well as his voice.
"Akala ko ba pumunta ka sa studio? Bakit may pasa ka sa pisngi ha? May sugat ka pa. Saan ka ba talaga nanggaling?"
Pinagkrus lang niya ang braso niya sa dibdib niya tsaka siya pumikit na parang wala siyang naririnig.
"Diyan ka lang, kukuha ako ng gamot." wika ko.
"Wag mo na akong pakialaman, Ashley." seryoso niyang sabi.
"Bakit naman kita hindi papakialaman? Boyfriend kita at may sugat at pasa ka sa muka. Ano sa tingin mo yung gagawin ko? Hahayaan nalang kitang ganyan yung itsura mo?" inis kong sabi tsaka ko siya inirapan.
Dumiretso ako sa banyo para kuhanin ang first aid kit. Mabilis ang pag-hakbang ko pabalik sa kama. Kumuha ako ng bulak para linisin ang dugo sa labi niya.
Nag-mulat siya at sinamaan ako ng tingin nang idikit ko ang bulak sa sugat niya. Umiwas rin siya at hinawi ang kamay ko.
"Wag mo sabi akong pakialaman 'di ba?" irita niyang sabi.
BINABASA MO ANG
Precious Secret • SB19 Pablo [COMPLETED]
FanfictionBeing in an idol group and having a celebration party with the most famous talent entertainment agency is a must. But what if you woke up, lying on the bed with your senior, both undressed. WARNING! This story contains mature scenes. Read at your ow...