Chapter 15: Date In The Zone
"Thank you so much Ma'am, Sir." masayang sabi ni Miss Prima sa dalawang volunteers ng brand na nag-alok sa amin ng limited collaboration.
"Thank you din po sa inyo Miss Prima, Sir Charles, Miss Ashley, Miss Zyn, Miss Nalhi, Miss Ylene." ika nila habang nakikipag-kamay sa aming lahat isa isa.
Other matters will be discussed soon. Sa ngayon, nag-plano pa muna kami ng mga schedule at ng mga gagawin namin para sa collaboration na 'yon. This is really fun!
Pagkatapos mag-paalam namin ng dalawang volunteer ay lumabas na din sila sa office.
"Goodluck Maze. Galingan niyo ha?" nakangiting sabi ni Sir Charles at may accent pa talaga ang tagalog words niya.
We all chuckled. "Thank you po Sir."
"Fighting!" he said.
"Fighting!" wika din naming lahat.
Naputol ang pag-uusap naming lahat nang tumunog ang cellphone ko.
"Excuse me." paalam ko.
Tumango lang dila at nagpatuloy sa pag-uusap. Ako naman ay kinuha ang cellphone tsaka ako lumayo ng kaunti, pagkatapos ay tsaka ko sinagot ang tawag.
Bakit kaya tumatawag si Kuya Brent? Unusual. Tumatawag lang kasi siya tuwing itatanong niya kung nasaan na kami.
"Hello po Kuya?" bungad ko.
[Ashley! Nako pasensya na. Pasensya na Ashley, hindi ko kasi napansin na lumabas pala sa van si Ashi eh may tumawag kasi sa akin. Pagbalik ko, wala na siya sa van.]
"Po?! Wala po ba siya sa paligid? Aligaga kong tanong.
"Ash, anyare?" rinig kong tanong ni Ylene.
[Pasensya na Ashley, hahanaoin ko siya dito sa labas. Hindi ko kasi siya mahanap sa paligid. Naku, pasensya ka na tslaga.] halata sa boses ni Kuya na kinakabahan din siya.
"Sige po Kuya bababa na din ako. Salamat po."
Pinatay ko na ang tawag tsaka ako kumingon sa kanila. Lahat sila ay nakatingin sa akin at takang taka ang itsura.
Habang ako naman ay nanginginig ang boses na nagsalita. "Si Ashi nawawala."
...
Pablo's Point of View
"2 plus 2?"
"One... Two.. Three... Four.... Four!"
"Galing! Palakpakan!"
Pumalakpak ako ng mahina at ganon rin si Ashi.
"Eto naman. 2 plus 3?" tanong ko ulit.
Nagbilang ulit siya ng mahina habang nakatingin sa mga daliri niya.
"Five!" masigla niyang sagot.
"Very good!" I said then I clapped.
Nakangiti siya ng malawak at ganon din ako. Nakaupo na ako ngayon sa hagdan at naka-kandong siya sa akin. Kanina ko pa siya tinatanong ng random questions tungkol sa magulang niya pero iniiba niya lagi ang topic, kung hindi naman ay hindi siya sumasagot.
"Ano nga yung pangalan ng Mama mo? Asan ba siya?" sinubukan ko ulit mag-tanong.
"Work." sagot nito.
BINABASA MO ANG
Precious Secret • SB19 Pablo [COMPLETED]
FanficBeing in an idol group and having a celebration party with the most famous talent entertainment agency is a must. But what if you woke up, lying on the bed with your senior, both undressed. WARNING! This story contains mature scenes. Read at your ow...