CHAPTER 29: Long Lost

1.4K 35 57
                                    

Dedicated to abcjsj72839

Chapter 29: Long Lost

Wala parin kaming maayos na usapan ni Paulo mula kagabi. Kumakain na kami ngayon ng agahan pero hindi parin niya ako kinikibo.

Pag kakausapin ko siya, kung ano ang tanungin ko ay iyon lang ang sasagutin niya. Pagkatapos ay aalis na din agad siya.

For real, what's the matter?

"Mama, finish!" Ashi said then grabbed the glass of water to drink.

I smoled at him. "Very good. Oh sige sa sala ka muna ha? Msg-liligpit pa si Mama ng pinag-kainan."

Ibinaba niya sa lamesa ang baso niya tsaka siya bumaba sa silya. "Okay Mama." he said then went to the living room.

Naka-focus lang si Paulo sa pag-kain. Patapos palang siya kaya sinamantala ko na ang oras.

"Uhm, Pau. May... problema ba?" I asked.

"Wala." he said without looking at me.

Natahimik ulit ako at tinignan lang siya habang kumakain. Ang hirap niyang intindihin dahil hindi naman siya nag-sasalita. Hindi naman siya nag-papaliwanag kaya paano ko siya maiintindihan?

"Ahh, hanggang kailan pala ulit yung rest day mo? Si Ashi kasi nag-aayang pumunta kala Tita Grace. Naisip ko din na ang tagal na nga nung huli natin silang nabisita." I tried to sound happy and excited.

"Ikaw bahala." walang gana niyang sagot.

Bahagyang kumunot ang noo ko dahil sa isinagot niya. "What if, bukas?" I tried asking him.

"Bahala ka."

"Ay, sa Sabado nalang pala para pwedeng makauwi yung mga kapatid mo."

"Hmm."

Mas lalong nag-salubong ang kilay ko. Ano ba talagang problema? There's a problem. I can sense it. Hindi ko lang alam kung ano.

"Paulo, kung may problema sabihin mo sa'kin." I said frustrated.

He sighed. "Wala."

I rolled my eyes. Minsan hindi na rin maganda yung pagiging malihim niya sa nararamdaman niya. Nakakalito siya. Hindi ko siya maintindihan.

"Pau naman eh."

"Wala nga. Ano bang dapat kong sabihin?" irita din niyang sabi, ngayon lang niya ako tinapunan ng tingin.

"Wala ka ng wala pero kasalungat no'n yung ipinapakita mo."

"Wala lang ako sa mood, okay?"

Binilisan na niya ang pag-subo tsaka siya agad na uminom ng tubig at umalis sa hapag-kainan. While me, I'm left here dumbfounded. I can't accept his actions. Hindi rin ako naniniwala sa sinabi niya. There's something wrong, really.

Inayos ko nalang ang lamesa at inilagay ang mga pinag-kainan sa lababo. Ate Leni insisted to wash the dishes so I just let her. Inasikaso ko naman si Ashi. Pinaliguan ko na siya at binihisan.

Sinuklayan ko ang makapal at basa niyang buhok. "There, ang gwapo gwapo talaga ng baby ko. Ang bango pa." puri ko sa kaniya tsaka ko inamoy ang pisngi niya. "Bango bango naman!"

He chuckled. "Kikiliti ako." he said while stopping my face using his tiny hands.

I stopped tickling him then placed a kiss on his lips instead. "Gwapo ng baby ko."

"Like Papa?" he asked.

I smiled. "Just like your Papa."

"Mama can I watch on TV?" he asked.

Precious Secret • SB19 Pablo [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon