CHAPTER 30: Unending Thoughts

1.7K 35 224
                                    

⚠️: medyo.

Hi. I was influenced by the books that I'm reading and I decided to use the exact words when writing to describe the BS more. I usually use words that is not straightforward when I'm writing BS, but I find it much harder to finish the scene because I have to think for an alternative word to use.

So, if it's cringey for you, you can skip. Thank you.

This is Nahhhlia, and I'm evolving. 😀

Chapter 30: Unending Thoughts

"Noon, gusto kong makita ang Tatay ko kasi miss ko na siya. Kasi gusto ko siyang makasama. Pero pagkatapos ng ginawa niya kay Mama, mas gusto ko na siyang isumpa." mapait na wika ni Aries. Hinaplos ko nalang ang braso niya para pakalmahim siya.

"Hindi mawala sa isip ko yung sinabi mo kanina." ani Aries matapos sa ilang minuto na pagkakatahimik.

"Hmm? Alin do'n?" I asked.

"The one about Nalhi's father. Hindi lang maalis sa isip ko na baka siya nga yun. Pero alam ko naman na mahirap mag-hinala. We can't rely on accusing someone." he said.

I nodded. "Naiintindihan ko."

He looked at me. "Bakit hindi mo subukang tanungin si Nalhi? Para maliwanagan tayo."

Napaisip ako sandali. Matagal na rin kasi nung huli kaming nag-usap ni Nalhi. Actually, kaming lahat sa grupo. Ang huli ko atang nakausap ay si Zyn. Tapos nung mga nakaraang araw pa 'yon.

We're still here at the cemetery. Nakaupo habang pinapakiramdaman ang hangin. Tahimik dito at payapa. Kaya masarap sa pakiramdam.

"Sige, susubukan ko. Sana lang wala siyang ginagawa ngayon." I answered.

He nodded. Lumapit siya sa akin at naupo sa tabi ko. Tinawagan ko nalang si Nalhi para mas mabilis. Magtatagal pa kasi kung text lang.

My muscles tensed up when it rang. Ni-loud speaker ko iyon para marinig din ni Aries ang usapan namin. And after a dew more rings, Nalhi answered.

[Hello Ash? Napatawag ka?]

I cleared my throat. "Uhm, b-busy ka ba? Ayos lang ba sa'yo na tumawag ako?"

[Oo naman. Bakit? May problema ba?]

"Ah, w-wala naman." I paused for a second. "May g-gusto lang sana akong tanungin."

[Sure! Ano ba 'yon?]

Nilingon ko si Aries dahil hindi ko alam ang susunod kong sasabihin.

"Anong sasabihin ko?" bulong ko, tinakpan ko din ang speaker ng cellphone para hindi marinig ni Nalhi.

"Tanungin mo yung pangalan ng Tatay niya." bulong din ni Aries.

"Hindi pwedeng diretsuhin ko siya! Magtataka siya panigurado."

[Hello? Ashley? Nandiyan ka pa ba?]

I cleared my throat again. "Uhm, oo! Oo naman, m-medyo mahina lang yung signal dito. Sorry ha." pagsisinungaling ko.

[Ayos lang. Ano nga ulit yung itatanong mo?]

"Sabihin mo kailangan natin ng abogado. Yung Tatay niya." bulong ulit ni Aries.

I nodded. "Uhm, busy ba yung Daddy mo?"

[Si Daddy? Hindi ako sure eh. Lagi siyang nasa law firm. Bakit?]

"U-Uhm," I looked at Aries, he mouthed 'go'. "K-Kasi yung... Y-Yung kamag-anak ko kasi kailangan ng a-abogado. Naalala ko na abogado nga pala yung Daddy mo kaya ikaw yung unang pumasok sa isip ko." paliwanag ko.

Precious Secret • SB19 Pablo [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon