CHAPTER 21: Definition

1.6K 46 25
                                    

Chapter 21: Definition

Lumuluha parin akong lumabas sa van nang makarating na kami sa building. Naka hawak naman si Ylene sa braso ko at pinapatigil na din niya ako sa pag-iyak.

Pinipilit kong patigilin ang sarili ko sa pag-luha pero pag-dating talaga kay Papa, hindi ko na mapigilan.

Nang makapasok na kami sa building ay pilit kong tinatakpan ang muka ko dahil nakakahiyang makita ako ng mga staff na ganito ang itsura.

Papunta na kami sa hagdan nang makasalubong namin ang limang pamilyar na lalaki. Nakangito silang lahat habang nag-kekwentuhan. Pero nang dumapo sa akin ang tingin niya ay agad na nawala ang ngiti sa mga labi niya.

"Ash." tawag niya sa pangalan ko tsaka niya ako agad na nilapitan. Hinawakan niya ang pisngi ko at bumaba iyon sa braso ko. "Anong nangyari?" alala niyang tanong.

"Nanggaling kami sa bahay nila... Nagkaron lang sila ng sagutan ng Nanay niya." paliwanag ni Ylene.

Isa pang dahilan ng tuloy-tuloy na pag-buhos ng mga luha ko ay kung ano ang iisipin at sasabihin sa akin ni Paulo pag nalaman niya ang nangyari. Paano kung kamuhian niya ako? Paano kung ayawan din niya ako gaya ni Nanay?

Hindi ko kaya, I don't think I would be able to handle that.

Hinawi niya ang buhok ko tsaka niya ako niyakap. Isinubsob ko nalang ang muka ko sa dibdib niya at doon tahimik na umiyak.

"Mag-usap tayo. Sabihin mo sakin yung nangyari." malambing niyang sabi habang hinahaplos ang likod ko.

Tumango nalang ako. Bumitaw siya sa yakap at pinunasan ang luha ko, pati ako ay nag-punas na din sa pisngi ko. Nakakahiya, nandito nga pala yung mga kagrupo niya.

Nilingon ni Paulo yung apat. "Sige na, pumunta na kayo."

"Sige." sagot naman nila.

"Teka, may pupuntahan ba kayo? Sumama ka na. Ayos lang." wika ko.

Umiling siya. "Kakain lang naman kami sana sa labas. Hayaan mo na, matagal na kaming magkakasama, matagal na naming nagawa 'yon. Ito, ngayon lang. Ngayon lang kita madadamayan kaya ikaw naman ang sasamahan ko."

I smiled lightly. Medyo gumaan ang pakiramdam ko dahil sa kaniya. Mabuti nalang, nandito ka.

"Ingat." bilin niya sa mga ka-miyembro niya.

Nang makaalis na ang apat ay na sa akin nanaman ang pansin niya. Hinawi niya ang buhok na naka-tabing sa muka ko at inipit iyon sa likod ng tenga ko.

"Halika, usap tayo. Doon tayo sa studio namin." he said.

"Ash, mauna na 'ko." paalam naman ni Ylene.

I nodded then thanked her.

"Ano? Tara na?" tanong niya.

I nodded then gave him a light smile. Mula sa braso ko ay pumaikot ang kamay niya sa likod ko at humawak siya sa balikat ko. He's guiding me while walking upstairs.

Nang makarating na kami sa studio nila ay pinaupo agad niya ako. Binigyan din niya ako ng tubig at agad naman akong uminom.

Naglagay siya ng plastik na upuan sa tabi ko tsaka niya ako tinabihan.

"Ano bang problema?" malambing niyang tanong.

Medyo yumuko ako at ang tingin ko ay nasa sahig lang. Nakakahiyang tumingin sa kaniya lalo na ngayon sa sasabihin ko sa kaniya.

"Pero... baka magalit ka rin sakin." pag-aalinlangan ko.

"Bakit naman ako magagalit sa'yo?"

I sughed. "Ito kasi yung dahilan kung bakit hindi maayos ang relasyon namin ni Nanay. Dahil sa nangyari noon... Kasi kasalanan ko naman..."

Precious Secret • SB19 Pablo [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon