CHAPTER 8: Welcome

1.1K 39 29
                                    

Dedicated to JheiraCaizelElisteri

Chapter 8: Welcome

Lei's Point of View

Naka-ngiti akong nag-paalam kay Kuya Brent. Ako kasi ang huling inihatid dahil pinaka-malayo ang inuuwian ko, sa Bulacan pa.

"Salamat po Kuya Brent! Ingat po pabalik!" sambit ko.

"Salamat. Sige, mauna na ako." paalam niya.

Nang maka-alis na si Kuya Brent ay tuluyan na akong kumatok sa gate.

"Ma! 'La!" tawag ko kay Mama at Lola na alam kong nasa loob lang.

"Nandiyan na si Lei ang paborito kong apo!" rirnig kong sabi ni Lola mula sa loob.

Mahina nalang akong natawa. Mas lumawak ang nguti ko nang makita ko si Lola na papunta sa gate. Nang mabuksan na niya ang gate ay sinalubong niya agad ako ng yakap.

"Kamusta ang paborito kong apo? Ngayon ka nalang ulit naka-uwi dito ah." aniya.

"Ayos lang po 'La. Mano po." inabot ko ang kamay niya tsaka ako nag-mano.

"Aba, gumaganda pa ata lalo ang paborito kong apo. Halika na sa loob. Nagugutom ka ba? Nag-luto ako ng paborito mo, pansit." natutuwa niyang sabi.

I chuckled. "Talagang paborito niyo akong apo, eh ako lang naman ang nag-iisa niyong apo eh." nag-kamot pa ako ng batok ko.

Natawa nalang din si Lola. "Oh sige, halika na. Pumasok ka na at hinihintay ka na din ng Mama at Papa mo."

Pumasok na ako sa loob dala ang mga gamit ko. Nag-paalam muna ako kay Lola na ilalagay ko lang sa kwarto ko ang mga gamit ko tsaka mag-papalit na din ng damit.

Nang makalabas na ulit ako sa kwarto ko ay pumunta na ako sa sala. Sakto namang naabutan ko si Mama na naka-upo sa sofa. Nilapitan ko siya tsaka ako nag-mano at naupo sa tabi niya.

"Kamusta naman ang trabaho mo?" tanong ni Mama.

"Ayos lang naman po. Nakaka-pagod pero masaya. Kayo po, ayos lang po ba kayo dito?" I asked back.

Tumango si Mama. "Ayos lang kami. Tuwang tuwa nga yung Lola mo tuwing nakikita ka sa TV. Gusto nga sana niyang umattend sa concert niyo sa MOA kaya lang baka naman atakihin siya doon at maraming tao."

"Sa susunod Ma, bibigyan ko kayo ng VIP ticket para hindi kayo masiksik. Sabihan niyo lang ako ha?"

Tumango nalang si Mama. Busy din kasi siya sa cellphone niya eh. Nag-iscroll sa facebook.

"Hanggang kailan ka pala dito? Mag-tatagal ka ba?"

"Aalis din po ako sa isang araw. May kailangan pa po kaming gawin next week." sagot ko.

"Oh sige, basta lagi mo kaming tatawagan lalo na yung Lola mo."

Tumango ako. "Opo."

"Lei apo! Halika na, nandito na yung pansit mo." rinig kong sabi ni Lola mula sa kusina.

Tumayo nalang ako sa silya tsaka ako pumunta sa kusina. Napaka-saya talaga tuwing umuuwi ako dito. Kahit papaano, nawawala ang stress ko sa trabaho.

Precious Secret • SB19 Pablo [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon