CHAPTER 18: Unveiled

1.4K 39 44
                                    

Chapter 18: Unveiled

Ngiting ngiti nanaman ako habang naglalakad pabalik sa unit ko. Pero kahit na ganon, nagmamadali parin ako sa paglalakad dahil padilim na at siguradong hinahanap na ako ni Ashi.

I couldn't buy him his request, a corndog. Kaya hindi ko nalang kinain ang biniling burger ni Paulo. Iyon nalang ang ibibigay ko kay Ashi.

I unconsciously smiled while remembering the moments earlier. He's so sweet. Nakakakilig.

Patakbo akong naglakad sa hallway. Nang makarating na ako sa unit ay agad akong nag doorbell.

Nawala ang ngiti ko nang marinig ko ang pag-iyak ni Ashi. Pumasok agad ako sa loob nang hindi pinapansin si Joan.

"Anong nangyari kay Ashi?" alala kong tanong.

"Eh biglang nagka-lagnat. Kaninang tanghali okay pa naman siya. Pero kaninang hapon bigla nalang siyang uminit. Akala ko normal lang pero hanggang sa uminit na siya ng sobra." paliwanag niya.

Mas dumoble ang kaba ko dahil sa narinig. My Ashi has a fever. This is not the first time that he got a fever pero nag-aalala parin ako palagi.

Pumasok agad ako sa kwarto. Naabutan ko siyang nakahiga at yakap ang laruan niyang kambing habang umiiyak.

"Mama..." aniya habang umiiyak.

Nilapitan ko agad siya tsaka ko siya niyakap. Hinaplos ko ang likod niya para patahanin siya. Ang init nga ng katawan niya.

"Anong gusto mo? Anong pakiramdam mo ha? May masakit ba sa'yo?" sunod-sunod kong tanong.

"Giginaw ako Mama." humihikbi niyang sabi.

"Giniginaw ka? Oh sige magpalit ka ng pajama. Sandali lang kukuha lang ako." malambing kong sabi.

Bumitaw ako sa yakap tsaka ko siya kinuhanan ng damit. Binihisan ko siya tsaka ko siya kinumutan.

"Bakit ka umiiyak? May masakit ba sa'yo?" tanong ko.

Umiling siya. "Wala po. Mimiss lang kita."

I bit my lower lip. "Wag ka nang umiyak, nandito na ako. Hindi na ako aalis."

Tinabihan ko siya sa kama tsaka siya yumakap sa akin. Kung pwede ko lang ipasa sa akin ang sakit mo, ginawa ko na. Ako nalang sana ang nahihirapan, 'di bale na'ng ako ang magkasakit, wag lang si Ashi.

"Joan, naka-inom na ba siya ng gamot?" tanong ko.

"Oo, pinainom ko na siya kanina. Medyo bumaba na nga yung lagnat niya pero mainit parin siya." sagot niya.

I sighed. "Bakit naman kaya siya nilagnat? Nagbababad ba siya sa tubig?"

"Hindi naman. Hindi rin naman siya tumututok sa electricfan. Hindi naman siya natutuyuan ng pawis." aniya.

"Hindi ba siya nahulog o ano? Baka naman napilayan na siya?" tanong ko pa ulit.

Umiling ulit siya. "Hindi rin eh. Hindi naman malikot si Ashi. Baka lagnat laki lang 'yan."

I just sighed then looked back at Ashi. Nakapikit na siya at sa tingin ko ay patulog na.

"Anong kinain niya kanina?" tanong ko ulit.

"Nagluto ako ng paksiw. Yun yung kinain namin. Nag meryenda din siya ng tinapay tsaka Chuckie kanina."

Tumango ako. "Sige, salamat ha. Ako na'ng bahala kay Ashi."

Tumango nalang din si Joan tsaka siya tuluyang lumabas sa kwarto. Pinatakan ko naman ng halik si Ashi sa ulo. Bakit naman nagkasakit ka pa anak ko?

Precious Secret • SB19 Pablo [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon