Chapter 14: Meet Up
Pumunta muna ako sa mini celebration ng crew dahil magmumuka naman akong KJ kung hindi. Sumaglit lang ako at kumain ng kaunti dahil nag-aalala talaga ako sa mga pwedeng mangyari.
Umuwi ako sa condo, nagpahatid ako kay Kuya Brent. Ako lang mag-isa ang uuwi sa condo, yung apat mag-istay sa hotel. Pinayagan naman ako ni Miss Prima kahit na gabi na kasi nag-paliwanag naman ako. Actually almost 1 AM na.
I'm very worried. Nag-aalala ako kay Ashi. Ano nang mangyayari ngayon sa anak ko?
Kumatok at nag-doorbell agad ako nang makarating na ako sa condo. Ilang segundo lang ang lumipas nang buksan na ni Joan ang pinto.
"Joan–"
"Ash! Sorry. Sorry talaga."
Sinalubong agad niya ako ng yakap at nanginginig pa ang boses niya. Akala siguro niya magagalit ako sa kaniya.
"Ano ka ba? Pumasok nga muna tayo sa loob. Bakit ka ba nag-sosorry?"
Naka-nguso diyang tumingin sa akin. Pumasok na muna kami sa loob at nag-iingat akong hindi mag-ingay para hindi magising si Ashi.
Dumireyso agad ako sa kwarto para tignan si Ashi. Mahimbing ang tulog niya habang nakatihaya.
"Bakit pala gising ka pa? O nagising lang kita?" tanong ko kay Joan.
"Gising pa ako. Hindi na ako nakatulog dahil sa message mo. Sabi mo kasi uuwi ka." kinakabahan niyang sabi.
Ano nga ba kasi yung message ko? Ahh, 'Uuwi ako mamaya.' Yun lang naman eh.
Tumabi ako kay Ashi tsaka ko hinaplos ang buhok niya. Humalik na din ako sa pisngi niya. Ang bango bango ng anak ko.
"Ano ba kasing nangyari?" kalmado kong tanong kay Joan.
Dahan-dahan siyang naupo sa silya. Umiiwas pa siya ng tingin sa akin.
"Eh kasi naman may mga nakapansin kay Ashi na kamuka daw niya si Paulo, kanina nung nasa MOA kami. Hindi ko naman alam na ipopost at magiging viral yung picture ni Ashi eh." paliwanag niya.
"May iba pa ba siyang ginawa kanina?" tanong ko.
"Uhm," sandali siyang nag-isip. "Yung ano... kanina nung nandoon kami, nakita niya y-yung... yung picture mo, doon sa pinag-endorsan niyo? Nakita niya yung picture mo tapos tinawag ka niyang Mama. Isinisigaw pa talaga niya." aniya sa nagsusumbong na boses.
Mas lalo akong kinabahan dahil doon. Malakas ang boses nitong ni Ashi, malamang maraming nakarinig sa kaniya.
"Marami bang nakapansin sa ginawa niya?"
Sandali pa siyang nag-isip. "Uhm, m-medyo? Kasi may mga lumapit din sa amin na nagsabi na kamuka ni Ashi si Paulo, pero iniwasan namin kaya hindi sila nakapag-papicture."
Tumango ako. Mukang bata palang, sikat na ang anak ko. Wala pa siyang kaalam alam sa mundo, marami nang tao ang nakakakilala sa kaniya.
Ang ibig sabihin din no'n ay mas marami na ang mag-hihinala at mag-tataka.
"Uy Ash, sorry talaga. Pag kasi hindi ako pumayag na magpa-picture sila, baka mag-hinala sila. Tsaka ang sabi ko kapatid ko si Ashi kahit hindi naman kami magkamuka. Kaya pumayag nalang ako, hindi ko din kasi alam kung anong isasagot ko eh." pakiwanag ni Joan.
Tumango nalang ako. "Ayos lang. Naiintindihan ko."
"Hindi ka galit?"
I shook my head. "Hindi. First of all, ako naman ang pumayag na pumunta kayo sa MOA kahit na binalaan mo na ako nung una palang. Tsaka ikaw na nga 'tong nahihirapan na mag-alaga kay Ashi eh."
BINABASA MO ANG
Precious Secret • SB19 Pablo [COMPLETED]
FanfictionBeing in an idol group and having a celebration party with the most famous talent entertainment agency is a must. But what if you woke up, lying on the bed with your senior, both undressed. WARNING! This story contains mature scenes. Read at your ow...