Note: Unedited.
Chapter 10: Trending
Nag-mamadali akong nag-aayos ng mga gamit ko dahil uwing uwi na ako. Gusto ko nang mayakap ang baby boy ko.
"Wow, iba talaga pag may inuuwian. Sana all." ani Lei habang nakatingin sakin.
Mahina akong natawa. "May inuuwian ka din naman eh. Yung condo mo." aarte pa ba siya? Buti nga siya may inuuwiang bahay eh.
Umirap siya tsaka umiling iling. "Tss."
"Oy, tulog ako sa condo niyo Ash." wika ni Nalhi.
"Ha? Bakit?" tanong ko.
"Wala lang. Bisitahin ko lang si Ashi. Bawal ba?"
Umiling ako. "Hindi naman. Tinatanong ko lang."
"Tulog ako do'n ah? Sabay na tayo." naka-ngiti niyang sabi.
Hindi na ako humindi dahil siguradong pipilitin naman niya ako. Tsaka matagal na din naman nung huling bumisita kay Ashi ang kahit na sino sa kanilang apat.
Nag-paalam na kami sa bawat isa nang matapos na kami sa pag-aayos. Hindi kasi kami sabay-sabay dahil may mga pupuntahan pa ang iba. Kaya kami nalang ni Nalhi ang mag-sasabay. Nakasakay kami sa kotse niya.
"Kamusta si Ashi?" tanong niya habang nasa biyahe kami.
"Ayos lang naman siya. Ayun, bulol parin." we both laughed because of what I said.
"Tagal na pala nating nag-peperform 'no? It's been almost six years."
Napatango ako sa sinabi ni Nalhi. Sa loob ng halos anim na taon, marami kaming napag-daanan. Lahat lahat na nandoon. Hirap, skait, saya, misunderstanding, gutom at kung ano ano pa.
But I'm happy to say that until now, magkakasama parin kami.
"Grabe din yung seniors natin 'no? Halos 10 years na sila. Grabe, solid ng samahan nila. Ang dami na nilang napag-daanan." dagdag pa niya.
Sumang-ayon ulit ako. Mas marami at mas masasakit pa ang naranasan nila kaysa samin. And I can say that they are really tough for still being together as a group.
Napaka successful na nila ngayon. Sunod-sunod na guesting, interview, shoots at kung ano ano pang project ang ginagawa nila sa araw-araw.
I can say that they already reached the world domination.
Naranasan nilang ma-critisize, ma-bash, mapag-sabihan ng kung ano ano, matawag sa kung ano anong pangalan, issues about their past, dating issue at kung ano ano pa.
But they still remained professional and unstoppable.
Yun nga eh. Ang layo na ng narating nila. Malapit nga sila sa amin, pero malayo parin. Ang hirap na nilang abutin. Ang hirap mo nang abutin.
Hindi rin nag-tagal nang makarating na kami sa building. Ipinarada ni Nalhi ang kotse niya sa parking at bumaba na kami sa kotse.
"Ay, wait lang pala Ash. May dadaanan muna ako sa condo ko. Mauna ka na doon. Susunod nalang ako." aniya.
Tumango nalang ako. "Sige, hintayin ka namin. Sabay-sabay na tayong mag-hapunan."
"Sige! Salamat!" aniya habang nag-lalakad palayo.
Magkalayo kasi ang condo namin. Nasa kanang bahagi ang condo ko at nasa kaliwa naman ang kaniya kaya medyo malayo din ang lalakarin niya. Siguro after ten minutes dadating na rin siya sa condo ko.
Nagmamadali na akong pumunta sa elevator dahil sabik na sabik na akong mayakap si Ashi. Patakbo na nga akong nag-lalakad sa hallway.
Pinindot ko agad ang doorbell nang makarating na ako. Ilang segundo lang ang lumipas nang mag-bukas na ang pinto.
BINABASA MO ANG
Precious Secret • SB19 Pablo [COMPLETED]
FanfictionBeing in an idol group and having a celebration party with the most famous talent entertainment agency is a must. But what if you woke up, lying on the bed with your senior, both undressed. WARNING! This story contains mature scenes. Read at your ow...