⚠️Warning 'to. Basta warning.
Chapter 27: Celebrations
"Pasok na tayo." aya niya dahil ilang minuto na kaming nandito sa upuan namin habang yakap lang ang isa't isa. Nararamdaman ko na nga din na may mga taong lumilingon lingon sa amin, but we remained unbothered.
"Ikaw lang naman yung hinihintay ko eh." sambit ko.
Dahan-dahan niyang inalis ang pagkakagakbay niya sa akin tsaka siya tumayo. "Tara na." aya niya ulit.
Humawak ako sa kamay niya tsaka ko hinatak ang sarili ko patayo. Siya ang nag-bukas ng pinto at pinauna na niya akong pumasok.
Nadatnan naman si Miss Prima at Aries na nag-uusap. Napunta naman sa amin ang tingin nila. Hindi parin nagigising si Nalhi.
Yumuko ng bahagya si Paulo para mag-bigay galang kay Miss Prima ganon din ako. Naupo muna kami sa maliit na couch.
"Thank you for the talk Miss Prima. Hindi na rin po ako mag-tatagal. May mga kailangan pa kasi akong asikasuhin." paalam ni Aries.
"Ofcourse, you're a busy man. Ingat ka." sagot ni Miss Prima.
Nag-shake hands sila at tumayo. Lumapit din sa amin si Aries para mag-paalam.
"Thanks again for accommodating me earlier." Aries said while smiling so sweetly.
I nodded. "No problem. Ingat." simple kong sagot.
"Thanks. Bye. Bye Paulo." he politely said.
Nilingon ko si Pau para tignan ang itsura niya. Blangko ang ekspresyon niya. Walang gana siyang tumango. "Sige." iyon lang ang sinabi niya.
Nag-paalam pa ulit siya kay Miss Prima bago siya tuluyang lumabas sa kwarto. Ngayon, natahimik kaming lahat.
"Ano daw po palang nangyari kay Nalhi?" tnong ko kay Miss Prima.
"Masyado siyang nagapod. Na-ooverwork ang katawan niya at hindi na niya kinaya kanina. Ayun, sumuko nalang bigla yung katawan niya. She needs rest for a week perhaps." paliwanag ni Miss Prima.
I nodded. I've never seen Nalhi this overworked. Halata nga sa itsura niya na pagod siya. Pansin ko rin na medyo pumayat siya.
"Siya nga pala Paulo, bakit hindi pa kayo umuwi? Siguradong pagod ka sa presscon kanina. You should rest." Miss Prima said.
"Ah, maya maya na po siguro." sagot ni Pau.
"Tinawagan ko na yung parents ni Nalhi. Maya maya dadating na yung mga 'yon. Kami na ang bahala sa kaniya kaya pwede na rin kayong umuwi."
We both nodded. We decided to stay here for more ten minutes befora going home. Alam ko din naman na pagod si Pau at mag-dadrive pa siya pauwi.
Ten minutes passed and Nalhi still isn't awake yet. Uuwi na rin kami ngayon dahil siguradong hinahanap na kami ni Ashi. Kaya sinamahan na kami ni Miss Prima papunta sa elevator.
"Palagi kasing pagod 'yan si Nalhi. Laging nasa studio 'yan para mag-practice tuwing wala silang shooting. Ang sabi pa nga niya sa'kin gusto daw ulit niyang mag-release ng isa pang solo album. Simula din nung na-cast siya doon sa series, dumami na yung invites sa kaniya ng iba't ibang projects. Hindi ko alam pero nawindang ako nung sinabi niya sa'kin na tatanggapin daw niya 'yon lahat. Like, it's too many. Mabuti sana kung nahahati niya ang katawan niya para magawa 'yon lahat ng sabay sabay. Pinapahirapan naman niya masyado yung sarili niya. Kaya ayan, napapabayaan na niya yung kalusugan niya." malungkot na kwento ni Miss Prima.
Tumango nalang ako. Ganon pala siya katutok sa trabaho ngayon. Pagsasabihan ko nga siya pag may oras ako. Concerned lang naman ako para sa kaniya.
BINABASA MO ANG
Precious Secret • SB19 Pablo [COMPLETED]
FanfictionBeing in an idol group and having a celebration party with the most famous talent entertainment agency is a must. But what if you woke up, lying on the bed with your senior, both undressed. WARNING! This story contains mature scenes. Read at your ow...